November 7, 2009 Saturday
It's Saturday. Grabe. May pasok pa kami. Dahil lamang sa Bagyong Ondoy at Bagyong Pepeng, nawalan kami ng Sem-Break, at nagkaroon ng Saturday Classes. Pero, everything happens for a REASON, ika nga. Kung meron kaming Sem-Break, panigurado, hindi mapaghahandaan ng school ang camping. Kung wala naman kaming Saturday Classes, hindi ko malalaman ang larong Captain Ball, hindi ako makakapag-layout, at hindi ako makakakuha ng mga kwento mula sa mga kaibigan ko. Kaya, don't judge too soon. Comprehend. Yun lang yun.
Sabadong-sabado, ang aga kong gumising. Needed! Pagpasok ko naman, hindi pa ako late. Sakto lang. Mag-stastart na kasi yung flag ceremony nun eh. So, after nung flag ceremony, pinaupo kami ng matagalan sa covered court at naghintay para mag-start na yung announcement tungkol sa Sportsfest. Ambagal lang kasing gumalaw nung mga nililipat na mga estudyanteng na-iinitan. Kaya, natagalan pa kami ng 20 minutos. After nun, start na kaming mag-discuss.
White Tigers ang team ko. Oo. Hindi na yung mga simpleng Red Team, Green Team, etc. Tsaka, 'wag ka, may opisyal t-shirt ang bawat team. Samin daw, puti na may tiger. Parang ganun na rin yata para sa ibang team. Astigin! Ibang klase na talaga. Nung nagkanya-kanya ang mga team, nag-discuss na kung sino yung magiging muse, escort, at manlalaro sa bawat game. Ako, nasali ako sa Chess, Badminton, at Tennis. Bigla lang akong sinali sa tennis na hindi naman ako nag-aacept ng request. Hayy. Automatic Request ba?
After nung aming team discussion, proceed kami sa klase. Nandun na yung teacher namin sa Math at hinihintay na lang yung mga iba pa naming classmate. Tsaka, hinatid na rin niya yung anak niya sa office para makapag-klase na kami. Antagal niya bago dumating. Nakalimutan na yata kami. So, tinawag nila yata yung ex-teacher namin sa MAPEH at pinalaro kami sa labas. Ayun, tuwang-tuwa naman kami. Hehe. Sa mga oras na yun, nag-babasa ako ng History of Asian Nations Sixth Edition. :) Share!
So, binaba ko muna yung libro at bumaba na ako sa labas. Doon, nakita ko yung mga classmate ko. Yung isa kong classmate na may hawak na bola, (yung malambot na pambata) nag-yaya na maglaro ng Captain Ball. So, tinuruan pa kami ng teacher kasi, first time lang namin na maglaro nun. Yung una, pa-easy easy lang kami kasi hindi pa namin masyadon gets. Pero, after few points, ayun, ansaya na. Tilian, sigawan, takbuhan, hiyawan, hayy. KAPAGOD!
Yun ang pinaka-nakapapagod na laro sa buong year ko sa Second Year na nilaro ko. Pangalawa ang Badminton. Wew! Enjoy! Sulit! The best! Next time na maglalaro kami nun, dadamihan na namin yung players para, the more, the merrier. Pero, sabi nga ng isa kong classmate, "Kung maglalaro tayo ng enjoy, dapat pa-minsan minsan lang para hindi nakakasawa." Oo nga naman. Kung gawin naming every friday or saturday ang larong yun, siguro masasawa din kami after a few weeks.
After nung game, pahinga na kami. Hayy. Pawis na pawis na kami. After kong magpahinga, nagbasa na ulit ako ng libro. Tinuloy ko lang yung binabasa ko habang yung iba, nagkwekwentuhan, at nag-chess. After ng isang pages sa libro, tinawag ako ng English Teacher ko at sabi ay mag-lalayouting na kami after lunch. Kaya i-take ko na daw yung lunch ko para magawa na namin yun as soon as possible. So, nag-yaya na ako na mag-lunch. :)
Sa canteen kami kumain. Nanlibre din ako kasi birthday ko naman bukas. :) Hehe. Yun talaga ang plano ko since the start. So, nanlibre ako ng drinks sa kanila. At meron pang hindi kasama, pero, nilibre ko na lang. Bait! After nung lunch, nag-kwentuhan pa kami sa tapat nung Mantou. (stuffed breadsticks yan)
So, after kong kumain, dumiretso na ako sa computer lab para mag-layout. Grabe. Anlamig dun! Enjoy ko ang lamig! Pero, di naman nagtagal medyo nilamig na ako. Kaya galaw ako ng galaw para hindi ako malamigan. Ayun, sabi nila na gawin ko na yung front cover at yung logo. Nag-start ako sa logo. Then the front cover. Then yung back. After nun, wala na ako masyadong ginawa kung hindi manood na lang sa mga nag-tytype at nag-aayos ng magazine. Magazine type ang aming School Paper. Eh kasi, kung gagawin naming broadsheet (newspaper) magkakalat lang naman. Di katulad ng magazine, nasa isang libro lang sila. At halata kung sino ang nagkakalat.
Maganda naman ang nagawa kong front cover sabi nila. :) Nahirapan lang ako dahil nakalimutan ko na kung paano gumamit ng photoshop. In the end, na-gets ko na at naalala ang lahat. Di ko lang gusto nung nag-lalayout kami eh, naka-block lahat ng socializing websites sa net. Kaya hanggang search lang kami. Walang facebook, walang plurk, walang friendster, walang multiply. Buti na lang merong Meebo. At nakapag-open ako ng YM through that application, este, website pala.
Ayun, pagkatapos namin dun, actually, di naman namin natapos yun eh. Tutuloy na lang namin sa monday. :) Half-day lang kaming nag-lalayout! Woot! Haha. Maaga din pala akong nakauwi sa bahay. 5 o'clock yung oras nung dumating ako. Hayy. Ansaya naman ng mga nangyari sa araw na 'to. xD
(C) 2009
Jerboe. x)