"Some things just happen instantly."
September 26, 2009 -- rain fell down all day. Oo, umulan ng buong araw nun. Ulan lang. Hindi malakas. Pero, tuloy-tuloy siya. Okay lang naman yun. Pero, nung kinabukasan, baha sa Rizal, Manila, Marikina, Antipolo, at ibang pang probinsyang malapit sa mga nabanggit. Buti na lang ay hindi bumaha ng todo samin. Eh kasi, sa sobrang ulan, nag-overflow ung mga dams and nabara ung mga canals at ayun, bumaha hanggang dibdib. Yung iba nga eh, lampas-tao ang baha. Para bang gumawa ka ng city sa gitna ng Karagatang Pasipiko. Pero, kulay brown lang ung tubig. Madaming tao ang nasa kani-kanilang bubong. Eh yung iba, nasa second floor lang ng kanilang bahay at tinitignan kung ano pa ang pwedeng masalba sa baha. Madaming namatay, madaming nawawala, madaming nagugutom, madaming nauuhaw, madaming nawalan ng gamit, madaming nawalan ng bahay!
September 28, 2009 -- kala ko eh, mawawala na ung baha, pero, hindi parin! Baha parin sa ibang lugar sa Pilipinas. Buti na lang sa iba eh, pababa na ung tubig at abot na nila. Madaming nag-sagawa ng rescue mission at donation programs para sa mga victims ng Bagyong Ondoy. Pero, madami paring humihingi ng tulong. Tsk. :)
September 30, 2009 -- araw ngayon. Hehe. Wala kaming pasok buong week. Nung monday, wala daw. Suspended. Kahapon, Bacoor Day. Ngayon hanggang Friday, suspended parin. Maaga-agahang Sem-Break ang Harrell ngayon ha. Sweet. Pero, gumawa parin ang school ko ng isang donation program para sa mga biktima. Hanggang bukas ay tatanggap parin ang school ng donations. Kahit old clothes or canned goods pwede! Basta may mabigay, meron nang matutulungan yun. Akalain mo, eh, andaming nag-donate sa school. Maliban na lang sa iba. Di ko alam kung bakit ayaw nilang mag-donate. Hehe. At ayun, siguro ngayon, on the way na ang school dun. :) Thanks sa mga nag-donate.
Every single donation can make a big, big difference on the lives on the Filipino people. Each of us should donate. Kahit yung mga old clothes na nasa kabinet natin, pwede na yun. If every person in the Philippines would donate a t-shirt, shorts, canned good, bottled water, 1/2 kilo of rice, madami nang matutulungan. Yun na yun! Kaya, mag-donate na!!!
"Tayo ang simula ng pagbabago."
No comments:
Post a Comment