Sunday, December 27, 2009

4 days to go :)

December 28, 2009 Monday

Currently: Bored. WALANG MAGAWA!

So, 4 days na lang at 2010 na. Wew. Ambilis talaga ng panahon. Hindi mo na napapansin ang oras kapag may ginagawa ka. Lalo na't kapag masaya, memorable. Talagang hindi mo na mamalayan kapag maganda na yung mga happenings sa isang moment ng buhay mo. Sinadyang hindi na titigil ang oras. Kung hindi man lang tumigil, ayaw namang bagalan. Hayy. Ang oras naman talaga.

As of this moment, bored na ako. Kaya ang bagal nga ng oras ko. Ayaw namang bilisan para may pasok na at hindi na ako ma-bobored. Eh, pano? Wala talaga. Wala parin akong magawa. Talagang babagalan at babagalan pa ito para maasar ka at mawalan na ng bait. Pang-asar din minsan yan eh. Naku naman.

Waaah! May tae! Hoy. Padakot naman, oh? Waaah! Anlaki! Dali! Baka maapakan pa eh. Bilisan mo na kasi! Ambagal bagal naman nito.

Bagal lang!

Edi bagal lang. Sus.

So, may tae ngayon sa tabi ng pintuan namin. Grabe naman yung mga aso dito. Tatae na lang sa entrance pa. Pwede namang sa CR. Sosyal na aso. :) Trained! Yan dapat.

Wew. Nangangamoy na. Ayaw parin dakutin. Buti na lang wala pang napasok na tao. Woot!

Next topic. Wala maisip eh. Sige. Tsaka na lang ulit. Wala na akong maisip eh. Kung may naiisip ka, comment ka lang sa baba :)

Ciao!

Friday, December 25, 2009

wala maisip na title sa BLOG !

December 26, 2009 Saturday
Saturday at last! :)

Di ko talaga alam kung anong pwedeng title para sa blog na ito. Madami kasi akong naiisip na pwedeng malagay dito. Kaya, pwedeng "Assortedness" ang title or "Diversity". One word lang naman ang kailangan ko pero mukhang ewan kung yun yung title ko. Mas "attractive" baga yung title na yan kaysa sa mga naisip na iba.

Moving on. Christmas has just passed. Tapos na. Tapos na ang bigayan ng gifts. Or is it? Still waiting for gifts to be received by yours truly :) Ano? Meron pa nga ba? Ayun. Madami pang natirang pagkain noong Noche Buena. Handa namin: Fettuccine Alfredo, Gardenia with Palaman, Chocolate Mousse courtesy of Red Ribbon, and 1.5 Coke. Yum Yum! De-microwave na lang sa umaga. Tapos meron pang natirang sauce nung alfredo at spaghetti noodles noong gumawa ng sopas. Wew. One to sawa?

Gifts. Mga na-receive ko this Christmas. Here's a list:
  1. Green T-shirt with a Hood - Janine (exchange gift)
  2. Armando Caruso Handkerchiefs (2) - Mari and Dayana (gift lang)
  3. Maliit na Bear - Allyzza (gift lang den)
  4. Carrot na Keychain - Eloisa (baby gift)
  5. Pabango - Abby (gift lang ulit)
  6. Daily Scent - Danielle (gift)
  7. T-shirts (2) - Enriquez Family (tita's and cousin's gift)
  8. T-shirt with a shoutout - Ate Joann (gift gift)
  9. T-shirt na Brown - Ate ko (may sweldo kasi)
  10. Green Belt - Tito Epie (either-or na gifts, choice ko: belt instead ng tsinelas)
  11. Black Shorts - Ate Aiza (gift lang)
  12. Di ko alam yung tawag dun, basta parang sleeveless na jacket with a hood (gray) - Kuya ko (400 ko ha?)
  13. Php 1,250.00 - Ninongs and Ninangs (weee!!)
  14. Still Waiting - from anyone :))
Woot! Andami kong gifts! Pwede na yan. Mostly damit. :) It's the THOUGHT that counts. Right?

Plano. Bibili ng SpeedStacks :) Wew yung presyo. P799.75! Yung baso lang at yung bag yun. What more kung may mat at timer pa? Woot. Pero okay lang yun. Masaya naman ako eh. Best time ko ng cycle stack: 20.54 seconds :) Improving! Need practice. Practice makes Perfect.

Sharing time. Grabe. Pinoy na naman ang Champion sa SpeedStacking. Grabe. Pinoy! Aim High! Galing galing :)) Wala lang. Na-share lang. Bilis niya eh.

Ayun. Wala ng malagay. As usual. Dito na magtatapos ang blog ko. :) Comment naman diyan.

Give LOVE on Christmas Day :)

JEBB ~ 2009

Sunday, December 20, 2009

Addicted Blog

Okaay. Wala na naman magawa.

Addicted. Dami na akong kinaadikan ngayon. Di ko alam kung bakit ganun pero, siguro dahil nakakaadik lang talaga yung mga bagay na bigla bigla na lang dumarating sa buhay ko. Ngayon, na-adik na ako sa larong "Plants Vs. Zombies". Self-explanatory. Labanang Halaman at mga Patay. Ikaw ang mga halaman. Kalaban, patay. Kulit eh. Di ko parin tapos kasi mahirap yung Level 4. Swimming Pool, Night, Foggy Level. Try ng tapusin. :)

Since October, addicted na me sa FarmVille. Parang FarmTown, which na-adik din ako nung summer vacation. Pero, nawala na nung nagkaroon na ng pasok. Nawalan na ako ng gana para magtanim ulit dun. At nakakatamad din kasi andaming click-click-click. Endless clicking! Kaya nung malaman ko yung tungkol sa FarmVille, why don't I give it a try? So, i tried it. Superb! Pwede na. Farmer na ulit ako. Within 1 week i think, Level 15+ na ako. And for 2 months, Level 37 na. Naks. Certified Farmer of FarmVille. :)

Notice: Na-adik ako sa mga halaman. Pansin niyo?

Food trip. Adik na ako sa: Magic Flakes, Mantou, Buko Special, Vanilla Almonds, Chocolate Truffles, at Pancit Canton. Every day nakakain ko yan. Every day hindi pwede na walang ganyan. Every day, every second. ADDICT! :)

Chocolates. Yummm! Ngayon, adik parin ako sa Crunch :)) Ang kaso, wala ng nabibiling Orginal Size ng Crunch sa Seven-Eleven, Mercury Drugs, at SM Molino. Kailangan ko pang lumayo ng bilihan para makamit lang yun! Nakapa-bias naman nun. Wala kwents. Ang nabibili na lang diyan is yung party pack na Crunch. Hayy. Sayang naman. :)

Lastly, if you even notice, adik na rin ako sa smiley face emoticon sa web. :)) :)) :)) - Yan. Yan yun. :) Nakakaadik na. Halos lahat ng mga tinype ko may ganyan. Except na lang kapag formal report sa school pero minsan, meron. :) As always, may smiley na. Every sentence ends with a smile for me. Every paragraph has a smile. Smile everyone smile. Smile everyone smile. All of your troubles will banish like bubbles. Smile everyone smile :)

--- **

Can't wait for Jan. 4, 2010 !!

JEBB :)

Saturday, December 19, 2009

Christmas Party 2009

Say goodbye to: 2009 :)

December 19, 2009 - Saturday
Christmas Party na namin nung araw na 'to. Madaming nangyari. Madaming masayang alalahanin. Madaming memories to keep and gifts to give. Basta. All-in-one package na agad 'to.

9:00 a.m. something
Habang nag-cocomputer ako, biglang may tumawag sakin sa labas. Ayun, nandyan na yung classmate ko. Hindi kasi siya pinapasok sa loob ng school dahil hindi pa tapos yung program ng elementary. Kaya, naisip na lang niyang gumala sa Phase 1 at napadaan samin. Noon, na-decide ko na siya na lang yung kasama kong bumili ng cake at mag-paprint malapit sa Jetti.

10:00 a.m. something
Umalis na kami sa bahay. Naglakad lang kami papuntang Goldilocks sa Talipapa. Pero, naisip ko na mag-paprint muna kami bago kami bumili ng cake. Kaya diretso na kami dun. After ng print, ginupit ko na yung mga papel. Award kasi yung pinirint ko para sa party namin. Eh ako yung inatasan na gumawa. Ayun. Yun na. Then, after nun, bumili na kami ng cake and nag-jeep na kami papuntang school.

10:51 a.m.
Narating kami sa school. Wala na halos mga elementary dun. Diretso classroom na kami. Kaming dalawa palang yung nandun. Grabe. Kaya naglibot muna kami sa campus para hindi sayang sa oras. Nang may dumating na mga classmate, inayos na namin yung mga games namin para sa party. Isa - isa na silang dumating and nag-start na ang party.

11:00 a.m. something
Party time! To start the program, may short prayer kami from our so-called pastor. Anak kasi siya ng pastor kaya siya yung tinaguriang prayer leader of the day. After nun, start na yung mga games. First game is pinaghalong paper dance, paint me a picture, at musical chairs. All-in-one package na naman. Grabe. First try pa lang, sira na agad yung apat na manila paper na pinagdikit lamang ng scotch tape. Wala kwents yung pagdikit namin. Pero, ayos lang. Tawa naman kami ng tawa. Next game. Spin-D-Bottle. Iikot mo yung bottle then kung sino yung tinuro, siya yung tatanungin. If he/she didn't answer the question within 3 seconds, iikot niya yung bottle ulit and kung saan ito tumapat na baso, yun yung iinomin niya. :) Saya.

12:00 n.n. something
Chibugan na! Daming food. May pasta, cake, mantou (stuffed bread stix), manok, donuts, brownies, drinks, and many more! Busog kami. Ayy. May icecream pa pala. :)

1:00 p.m. something
Gift-giving na. Do the math. Nakuha ko green t-shirt na may hood and somewhat tribal design.

1:30 p.m. yata
Awarding ceremony na namin. Puro kalokohan lang naman yan. At selected lang ang mga may award. Sa Farewell Party na kasi yung astigin na awards. Parang certificate na. Kaya hintay na lang hanggang March yung mga hindi nabigyan.

2:00 p.m. something
Tapos na ang party. Pero, naisip pa naming mag-Ministop para hindi sayang ang araw. Nilibre din kami ng isa kong kaklase na bigla na lang tinutopak. *Baka dahil dun yung libre niya. XD

3:00 p.m. something
Pumunta kaming GreatWoods. Dun sa bahay ng classmate ko. Di ko alam kung bakit kami pumunta dun. Tumambay lang naman kami. Nung mag-4 na, nagpasya na naming umuwi na lang.

---- **

January 4, 2010
BACK TO SCHOOL :)

"Tapos na ang lahat."

All Rights Reserved 2009
Jerboe :)

Saturday, December 5, 2009

December 5, 2009 : HHIS 16th Anniversary

Kahapon, December 5, 2009 Saturday, nangyari ang 16th Anniversary ng school ko. And this year, Family Day ang form ng celebration. Di katulad last year na Field Demonstration lamang kami sa school ground. Ngayon, dun kami sa EcoPark nag-celebrate.

Sa umaga, may Mass na naganap. Pero, di na ako naka-attend kasi late na ako nagising. Kaya inisip ko na magpa-late na lang ako. Parehas lang naman din yun. Siguro. Tapos. Nung makarating ako dun. Naghahanda na silang para sa opening program nila. So, may flag ceremony pa, then, mga special numbers hanggang sa dumating na si Mayor Strike.

Nang dumating si Mayor Strike, wew, nangumpanya siya. Katulad na rin nung sa Bacoor Meet. Yung closing remarks niya nun eh pang-campaign. Weird. Well, anyway, nung matapos yung speech niya, nagumpisa na rin kami sa pag-gawa ng painting about Green Generation. Tapos pipili sila ng Top 20 and sa bente na yun pipili naman ng Champion which will be the front cover of the school's yearbook this year. Yun ang premyo.

So, nag-start na kami. Ang drawing ko is this: may taong kulay green then may nakahawak sa kanyang iba pang tao. Yung malapit sa kanya half green and half gray. Tapos yung malayo pa, gray pa lamang. Then, yung grass na tinatayuan nila, green expect dun sa gray pa yung tao which is brown pa. Yung background ko is may mga buildings na nagbubuga ng black smoke na ginawang black na ang sky then punong-puno ng gargabe. Get the pic?

After nun, LUNCH TIME. :) My favorite time. Nang matapos na yung lunch, pinapunta naman kami sa school ground para sa second part ng celebration. Sa school, pinakita yung pre-presentation ng mga Ms. Green Generation, Top 5 sa Parents' Choice sa Parol Making, and Top 20 sa drawing. Nag-start sila sa Top 5 na Parol. Unfortunately, di napasama yung samin dahil konti lang ang parents ng bonjour na umattend. Kaya sayang yung votes. Pero, kung kumpleto yung mga parents, siguro madami rin kaming nahatak na votes.

Na-dismaya syempre kami dun sa nangyari. Actually, before kaming makarating sa school, bumagsak yung parol namin sa poste eh. Share. Kasi, nasira yung alambre. So, yung mga nakakita na Bonjour, inayos nila. Thanks. :)

50% palang naman ang Parents' Choice. Meron pa kasing isa pang panel of judges para malaman na kung sino ang panalo dun. Ang top 3 parols will win cash prize para sa kanilang Christmas Party. Kaya gusto naming makapasok sa top 3 para may pang gastos kami sa party namin kahit papaano.

After nun, pinakita naman yung pre-presentation ng mga muses from each sections. Yung amin late na. Nakaabot na lang siya mga 3 minutes after nun. Sakto lang siya sa pagsasayaw nila. :) Buti na lang hindi siya late dun sa pagpapakilala niya. At hindi pa siya napiyok. Hehe.

Medyo paos na kami sa kakasigaw at kakatile.Whew. After ng presentation, pinakilala na yung top 20 na drawing. :) Unexpectedly, nanalo kami ng partner ko sa pagdrawing namin ng so-called "masterpiece" namin. Hehe. Ang premyo: a book entitled 'Till Debt Do Us Part by Chinkee Tan. Meron na naman akong babasahin.

After ng family day na yun, may parenting seminar at time na para umuwi ang mga students. But before we went home, pumunta pa kaming EcoPark para mag-boating. Hindi kasi kami nakapag-boating nun eh. Haba kasi ng pila. Libre eh. Sayang. Pero, nung makapunta kami dun, walang nagbabantay sa boat. Kaya, nakaupo na lang kami dun sa gilid ng deck at nag-kwekwentuhan, nagbabato ng bato sa tubig at sumasakay dun sa boat, literally, at tinitignan yung mga hayop.

Wala kaming nagawa, halos, sa araw na yun. Di naman siya boring. Hindi naman din siya ganun ka-exciting. Pero, memorable naman. Obviously, memorize ko pa yung mga nangyari eh. :) Share.

Copyright 2009