Kahapon, December 5, 2009 Saturday, nangyari ang 16th Anniversary ng school ko. And this year, Family Day ang form ng celebration. Di katulad last year na Field Demonstration lamang kami sa school ground. Ngayon, dun kami sa EcoPark nag-celebrate.
Sa umaga, may Mass na naganap. Pero, di na ako naka-attend kasi late na ako nagising. Kaya inisip ko na magpa-late na lang ako. Parehas lang naman din yun. Siguro. Tapos. Nung makarating ako dun. Naghahanda na silang para sa opening program nila. So, may flag ceremony pa, then, mga special numbers hanggang sa dumating na si Mayor Strike.
Nang dumating si Mayor Strike, wew, nangumpanya siya. Katulad na rin nung sa Bacoor Meet. Yung closing remarks niya nun eh pang-campaign. Weird. Well, anyway, nung matapos yung speech niya, nagumpisa na rin kami sa pag-gawa ng painting about Green Generation. Tapos pipili sila ng Top 20 and sa bente na yun pipili naman ng Champion which will be the front cover of the school's yearbook this year. Yun ang premyo.
So, nag-start na kami. Ang drawing ko is this: may taong kulay green then may nakahawak sa kanyang iba pang tao. Yung malapit sa kanya half green and half gray. Tapos yung malayo pa, gray pa lamang. Then, yung grass na tinatayuan nila, green expect dun sa gray pa yung tao which is brown pa. Yung background ko is may mga buildings na nagbubuga ng black smoke na ginawang black na ang sky then punong-puno ng gargabe. Get the pic?
After nun, LUNCH TIME. :) My favorite time. Nang matapos na yung lunch, pinapunta naman kami sa school ground para sa second part ng celebration. Sa school, pinakita yung pre-presentation ng mga Ms. Green Generation, Top 5 sa Parents' Choice sa Parol Making, and Top 20 sa drawing. Nag-start sila sa Top 5 na Parol. Unfortunately, di napasama yung samin dahil konti lang ang parents ng bonjour na umattend. Kaya sayang yung votes. Pero, kung kumpleto yung mga parents, siguro madami rin kaming nahatak na votes.
Na-dismaya syempre kami dun sa nangyari. Actually, before kaming makarating sa school, bumagsak yung parol namin sa poste eh. Share. Kasi, nasira yung alambre. So, yung mga nakakita na Bonjour, inayos nila. Thanks. :)
50% palang naman ang Parents' Choice. Meron pa kasing isa pang panel of judges para malaman na kung sino ang panalo dun. Ang top 3 parols will win cash prize para sa kanilang Christmas Party. Kaya gusto naming makapasok sa top 3 para may pang gastos kami sa party namin kahit papaano.
After nun, pinakita naman yung pre-presentation ng mga muses from each sections. Yung amin late na. Nakaabot na lang siya mga 3 minutes after nun. Sakto lang siya sa pagsasayaw nila. :) Buti na lang hindi siya late dun sa pagpapakilala niya. At hindi pa siya napiyok. Hehe.
Medyo paos na kami sa kakasigaw at kakatile.Whew. After ng presentation, pinakilala na yung top 20 na drawing. :) Unexpectedly, nanalo kami ng partner ko sa pagdrawing namin ng so-called "masterpiece" namin. Hehe. Ang premyo: a book entitled 'Till Debt Do Us Part by Chinkee Tan. Meron na naman akong babasahin.
After ng family day na yun, may parenting seminar at time na para umuwi ang mga students. But before we went home, pumunta pa kaming EcoPark para mag-boating. Hindi kasi kami nakapag-boating nun eh. Haba kasi ng pila. Libre eh. Sayang. Pero, nung makapunta kami dun, walang nagbabantay sa boat. Kaya, nakaupo na lang kami dun sa gilid ng deck at nag-kwekwentuhan, nagbabato ng bato sa tubig at sumasakay dun sa boat, literally, at tinitignan yung mga hayop.
Wala kaming nagawa, halos, sa araw na yun. Di naman siya boring. Hindi naman din siya ganun ka-exciting. Pero, memorable naman. Obviously, memorize ko pa yung mga nangyari eh. :) Share.
Copyright 2009
No comments:
Post a Comment