Saturday, November 21, 2009

Mind Challenge: History Edition II

Two Days After the Event...

Ngayon lang ulit ako nasipagan na gumawa ng blog. And this time, may matinong topic na akong pwedeng gawin. Kaya medyo marami na rin siguro ang mga malalagay ko sa blog ko na totally makes SENSE.

So, here's how my blog goes.

4:45 A.M.
Maaga akong gumising para sa laban namin. Naks. Syempre, nakapag-computer pa ako para ma-harvest yung Pumpkins ko sa FarmVille at yung Chrysanthemum ko sa BarnBuddy. Madami pang time. Walang hassle. :) After nun, nanood muna ako ng TV. Sabi ko nga, madami pang oras para sa ibang gawain.

Quarter to Six.
Umalis na ako sa bahay. Nang makadating ako dun sa school, madami na ring mga participants na nandun. Yikes. So, hinanap ko muna yung mga kasama ko para hindi ako left-out. And i did. Hindi na ako nakapag-sulat ng pray-for-us message sa blackboard namin sa classroom kasi paalis na kami nun. Kaya no time. *Yes. Naiba na.

Mga 7.
Di ko namalayan ang oras ng pagdating namin sa EAC - Emilio Aguinaldo College sa Dasma. Basta nung pagbaba namin sa L300, isa lang ang nasabi ko sa place. "It's great to be back. xD". So, nung makahanap kami ng pwesto dun sa "reading area" nila, nag-review kami para sa Elimination Round. After a quick scan, ayun na.

Mga 8.
Nag-start na ang Elimination. Yung una, sa classroom lang kami nag-elimination. Habang nandun kami, lahat ng mga Second Year Participants nag-rereview. At kami, ganun din. Sobrang kaba. Sobrang sobra. Bigla na lang kaming pinababa sa AVR kasi kulang daw ng space dun sa classroom. Kaya lumipat kami at nag-start na. Ganito ang position namin:

| Di kilala | Von - HHIS | Di kilala | Xena - HHIS | Bakante | Ako - HHIS | Bakante |

Sa isang hilera lang kami. Di na nagkalayo. Sabi naman eh, "One seat apart". Kaya ayan, one seat apart nga kaming second year. :)

Mga 10.
Tapos na ang elimination. Nauna pa ang dalawa kong kasama. Nauna yung lalaki then yung babae, then ako. Mahirap eh. Inuna ko muna yung mga alam ko. Ang madali sa exam na yun ay yung mga Places. (e.g. What's the capital of ganyan ganyan) Mga ganun. Dun ako nadalian kasi memorize ko na. Pero ang pinakamahirap sa lahat ang ang dates. Hindi namin na-review ang mga dates. Kaya mukhang maliit ang chance naming makapasok sa Final Round. Yun ang nasa isip namin.

Right after nung Elimination.
After nung elimination namin, nawala na ang kaba ko. After nun. Tinignan ko yung libro ko. Yung hindi ko nabasa. "History of Asian Nations: Sixth Edition" So, habang binabasa ko, na-realize ko na yun pala yung reference nila sa paggawa ng exam sa elimination. Kaya ang sabi ko, "Sayang. Dapat ito yung binasa ko." Sayang talaga. As in saktong-sakto yung mga description nun sa mga tanong. Sayang! So, ayun.

Mga 11.
Mga 11 nag-start ang pinaka-program nila. Oo. Nun lang. May special numbers pa ang mga students sa EAC. Isang kantahan at isang sayawan. Pero, nagbasa nalang ako nung libro para kung sakali. Habang silang lahat, nagsasaya. So, tinawag na yung mga finalists. Kabado na kaming lahat. Isa isang tinawag ang mga schools from Grade One to Highschool. From Grade 1 to Grade 6, pasok ang Harrell. Edi masaya na kami. At ang mga Highschool Students samin, kabadong kabado na. Tinawag na ang sa First Year. Unfortunately. Di nakapasok ang HHIS dun. Kaya ang pumasok sa isipan ko na baka walang pumasok na Highschool sa Harrell. Aww.

Nung tinawag naman ang Second Year finalists, kinabahan na kami layo. So, binilang ko kung ilan na ang natawag nila para alam ko kung ilan pa ang chance namin sa pagpasok.

10... 9... 8... 7... 6... 5... Then.

HARRELL HORNE INTEGRATED SCHOOL!!! Syempre. Tuwang tuwa kami sa pagpasok namin. Edi lahat ng mga finalists umakyat ng stage and sinabay na rin ang pag award ng top notcher for that exam. Sa kasamaang palad, wala sa HHIS ang top notcher ng 2nd Year. Pero, masaya naman kaming makapasok ng Top 10. Pang 4 kami. Share!

Mga 12.
Lunch time na namin. :) Skip skip.

Mga 1.30.
Nag-start na ang Final Round. Syempre ang una, First Year. Ang highschool kasi, sa AVR ang Final Round Venue. Tapos ang Elem, sa Library. Kaya simultaneous ang mag event. Sayang talaga ang First Year. Kung nakapasok sila sa Top 10. Pasok sila sa Top 3 at makakauwi sila ng medal and trophy. Alam nila yung mga sagot sa tanong eh. Kaya ayun. Sayang. Nung sumalang naman ang 2nd Year, kinabahan na kami. And then, it started.

First Question. "What country is considered as the World's Largest Democracy?" Alam na namin agad. "India" ang sagot! Yes. Medyo nawawala na ang kaba namin. At sunod sunod na yun. Maliban na lang sa 4th Question ng Easy Round. "Who was the first prime minister of Sri Lanka?" Patay. Tao. Di namin alam yun! Time's out. Wala kaming sagot sa tanong na yun. At ang sagot. "Stephen Seyananake" Sino siya?!

Average Round. Perfect namin. Puro place ang tanong eh. Buti nga ganun eh. Hayy.

Difficult Round. First two questions, mali kami. Aww. 10 opints agad ang nawala samin. Yung first question, di talaga namin alam. "Who was the Filipino Architect who help the Vietnamese Refugees?", something like that yung tanong. And ang sagot, "Oscar J. Arellano". Buti na lang walang nakasagot. Bale, parang void question na yun saming lahat. Then yung second question. "Who led the Khmer Rouge in Cambodia?". Patay. Di ulit namin alam. Hula na lang kami. "Lon Nol". Yan ang naalala ko sa reviewer ko pero di ako sure. Unfortunately, mali kami at ang tamang sagot is. "Pol Pot". Aww. Nabasa ko siya eh. Pero, di ko naman alam na siya pala yun. Sayang talaga. Tapos yung isa ko kasama, yun yung nasa isip niya pero, di rin siya sure.

Kung nasagot namin ang POL POT na yun. Tie kami sa Sisters of Mary with 39 points for 1st place. And kung mangyari nga yun. Ang Clincher Question is, "When was India's independence began?" Di rin namin alam. Pero, sure na 2nd place na kami dun! Edi, may medal sana kami. Pero, okay lang. Out of how many schools in Cavite, we emerged 4th Placers. :)

Mga 7.
May handaan sa school namin. Pansit on the house! And we took pictures and stuff. And finally, HOME.

*Moral Lesson: WALA NAMAN. xD

(C) 2009 - Jerboe

Saturday, November 14, 2009

R-E-V-I-E-W. Is it in your vocabulary?

As usual. wala na naman akong magawa kaya ako nag-bloblog. :) Well, here's how my blog goes:

Review. Is it in your vocab? Karamihan sa mga students nowadays ay wala na ito. Hindi na uso sa kanila ang ganyan. Ang uso, CRAMMING. Lagi naman ganun eh. Kung iisipin, pwede namang "Mamaya na" tapusin ang mga bagay bagay. Pero, kung ano ang kalabasan, ayy. PALPAK! Mediocrity na 'yan! Ganun lang naman palagi eh.

Hayy. Mga kabataan talaga ngayon 'no? Isa na ako dun. xD.

So. Need ko ng mag-review for the upcoming Mind Challeng in History. Yikes! 1 week to go at labanan na! Share ko yun. At ayun, for the next 4 days, (kasi sa November 20 ang laban) we'll spend the rest of the week with reviewing and reviewing and reviewing. No time for exams. Kasi, ang exam namin supposed to be bukas hanggang Tuesday yata. Pero, ang sabi ni Ma'am J, i-move na lang next next week para may time kaming mag-review.

Ang exam: Unit Test. Regular class sa ibang subject at Examination para sa subjects of the day. Kaya madami kaming ma-mimiss na lessons and assignments, pero, siguro, pwede ko namang tanungin kung anong assignments ang meron at pwede ko pang gawin sa bahay. Hmm...? Ayun.

Hayy. REVIEW na ako! xD

(C) 2009 :))

Sunday, November 8, 2009

Happy Birthday :)

Happy Birthday to Me!! :D

Ayun, I'm turning a year older.
Actually, kahapon yung Birthday ko.
Late lang yung blog ko. xD

(C) Copyright 2009

Friday, November 6, 2009

What happens in Saturday the 7th?

November 7, 2009 Saturday

It's Saturday. Grabe. May pasok pa kami. Dahil lamang sa Bagyong Ondoy at Bagyong Pepeng, nawalan kami ng Sem-Break, at nagkaroon ng Saturday Classes. Pero, everything happens for a REASON, ika nga. Kung meron kaming Sem-Break, panigurado, hindi mapaghahandaan ng school ang camping. Kung wala naman kaming Saturday Classes, hindi ko malalaman ang larong Captain Ball, hindi ako makakapag-layout, at hindi ako makakakuha ng mga kwento mula sa mga kaibigan ko. Kaya, don't judge too soon. Comprehend. Yun lang yun.

Sabadong-sabado, ang aga kong gumising. Needed! Pagpasok ko naman, hindi pa ako late. Sakto lang. Mag-stastart na kasi yung flag ceremony nun eh. So, after nung flag ceremony, pinaupo kami ng matagalan sa covered court at naghintay para mag-start na yung announcement tungkol sa Sportsfest. Ambagal lang kasing gumalaw nung mga nililipat na mga estudyanteng na-iinitan. Kaya, natagalan pa kami ng 20 minutos. After nun, start na kaming mag-discuss.

White Tigers ang team ko. Oo. Hindi na yung mga simpleng Red Team, Green Team, etc. Tsaka, 'wag ka, may opisyal t-shirt ang bawat team. Samin daw, puti na may tiger. Parang ganun na rin yata para sa ibang team. Astigin! Ibang klase na talaga. Nung nagkanya-kanya ang mga team, nag-discuss na kung sino yung magiging muse, escort, at manlalaro sa bawat game. Ako, nasali ako sa Chess, Badminton, at Tennis. Bigla lang akong sinali sa tennis na hindi naman ako nag-aacept ng request. Hayy. Automatic Request ba?

After nung aming team discussion, proceed kami sa klase. Nandun na yung teacher namin sa Math at hinihintay na lang yung mga iba pa naming classmate. Tsaka, hinatid na rin niya yung anak niya sa office para makapag-klase na kami. Antagal niya bago dumating. Nakalimutan na yata kami. So, tinawag nila yata yung ex-teacher namin sa MAPEH at pinalaro kami sa labas. Ayun, tuwang-tuwa naman kami. Hehe. Sa mga oras na yun, nag-babasa ako ng History of Asian Nations Sixth Edition. :) Share!

So, binaba ko muna yung libro at bumaba na ako sa labas. Doon, nakita ko yung mga classmate ko. Yung isa kong classmate na may hawak na bola, (yung malambot na pambata) nag-yaya na maglaro ng Captain Ball. So, tinuruan pa kami ng teacher kasi, first time lang namin na maglaro nun. Yung una, pa-easy easy lang kami kasi hindi pa namin masyadon gets. Pero, after few points, ayun, ansaya na. Tilian, sigawan, takbuhan, hiyawan, hayy. KAPAGOD!

Yun ang pinaka-nakapapagod na laro sa buong year ko sa Second Year na nilaro ko. Pangalawa ang Badminton. Wew! Enjoy! Sulit! The best! Next time na maglalaro kami nun, dadamihan na namin yung players para, the more, the merrier. Pero, sabi nga ng isa kong classmate, "Kung maglalaro tayo ng enjoy, dapat pa-minsan minsan lang para hindi nakakasawa." Oo nga naman. Kung gawin naming every friday or saturday ang larong yun, siguro masasawa din kami after a few weeks.

After nung game, pahinga na kami. Hayy. Pawis na pawis na kami. After kong magpahinga, nagbasa na ulit ako ng libro. Tinuloy ko lang yung binabasa ko habang yung iba, nagkwekwentuhan, at nag-chess. After ng isang pages sa libro, tinawag ako ng English Teacher ko at sabi ay mag-lalayouting na kami after lunch. Kaya i-take ko na daw yung lunch ko para magawa na namin yun as soon as possible. So, nag-yaya na ako na mag-lunch. :)

Sa canteen kami kumain. Nanlibre din ako kasi birthday ko naman bukas. :) Hehe. Yun talaga ang plano ko since the start. So, nanlibre ako ng drinks sa kanila. At meron pang hindi kasama, pero, nilibre ko na lang. Bait! After nung lunch, nag-kwentuhan pa kami sa tapat nung Mantou. (stuffed breadsticks yan)

So, after kong kumain, dumiretso na ako sa computer lab para mag-layout. Grabe. Anlamig dun! Enjoy ko ang lamig! Pero, di naman nagtagal medyo nilamig na ako. Kaya galaw ako ng galaw para hindi ako malamigan. Ayun, sabi nila na gawin ko na yung front cover at yung logo. Nag-start ako sa logo. Then the front cover. Then yung back. After nun, wala na ako masyadong ginawa kung hindi manood na lang sa mga nag-tytype at nag-aayos ng magazine. Magazine type ang aming School Paper. Eh kasi, kung gagawin naming broadsheet (newspaper) magkakalat lang naman. Di katulad ng magazine, nasa isang libro lang sila. At halata kung sino ang nagkakalat.

Maganda naman ang nagawa kong front cover sabi nila. :) Nahirapan lang ako dahil nakalimutan ko na kung paano gumamit ng photoshop. In the end, na-gets ko na at naalala ang lahat. Di ko lang gusto nung nag-lalayout kami eh, naka-block lahat ng socializing websites sa net. Kaya hanggang search lang kami. Walang facebook, walang plurk, walang friendster, walang multiply. Buti na lang merong Meebo. At nakapag-open ako ng YM through that application, este, website pala.

Ayun, pagkatapos namin dun, actually, di naman namin natapos yun eh. Tutuloy na lang namin sa monday. :) Half-day lang kaming nag-lalayout! Woot! Haha. Maaga din pala akong nakauwi sa bahay. 5 o'clock yung oras nung dumating ako. Hayy. Ansaya naman ng mga nangyari sa araw na 'to. xD

(C) 2009
Jerboe. x)

Tuesday, November 3, 2009

Major Events Goin' On

November 4, 2009 Wednesday
Just bloggin'. Nothing to do. ;)

Okay. This is my checklist of major events that'll happen this year, i guess. Never mind it though. Keep in touch. :) Gusto ko lang na malagay dito para hindi ko malimutan. I'm planning to buy a planner for next year. Noon ko lang din naisipan na mag-planner na lang ako para maging organize na ang buong buhay ko. At maging alert for some updates, and activities. :) Kaya, bibili na ako ng planner, also, magiging journal ko na rin yun. Hayy. Maaalala ko pa ang mga events hanggang sa aking paglaki.

Checklist! UPDATES! For the month of November:
  • November 5, 2009 - Start of Layouting for the School Paper, Scribe
  • November 7, 2009 - Sportsfest Week One, daw
  • November 8, 2009 - Birthday moi. :)
  • November 13, 2009 - Deadline of the draft of the Research Paper
  • November 14/15 2009 - Watchin' 2012, 'cguro / Sportsfest Week Two, daw
  • November 20, 2009 - Mind Challenge: History Edition
  • Month of November - Practice for the AP Project
Meron pa ba? Kung meron pa, react lang. If you haven;t notice, panay post ko ng mga to-do list. Wew! Need ko talagang i-memorize ang mga gagawin. Soobrang busy na kami ngayong Third Quarter. Ibang klase na talaga. Ibang level na. Hindi na kailangan ng pa-easy easy na lang. Need to work harder and more serious. :) Hayy. Tired. Need REST!

(C) Copyright 2009
Jerboe ~ 03

Sunday, November 1, 2009

AON! As of now...

As of now, bored ako, walang magawa, walang maka-usap. Bakit ba laging ganun ang weekends? Bakit walang magawa? Buti pa sila Phineas and Ferb may nagagawa everyday. Kahit yung Do-Nothing Day nila, hindi boring! Hayy. YAWN YAWN!

As of now, nag-facebook ako. Naghihintay na may maka-chat, nag-hihintay na ma-harvest ang mga Blueberries sa FarmVille, at nag-tatake ng quizzes. Halatang bored eh. Pero ang sabi ni Mood of the Day ko, mischievous daw ako ngayon. Wew aah. BORED kaya ako!

As of now, nag-friendster din ako. Nag-popost ng bulletin, nag-hihintay ng comment-back. At nag-bibigay ng unexpected comments to random people. Nag-susurvey din ako para may magawa naman kahit paaano. Kahit na andami kong ginagawa, bored parin ako. Refresh lang ako ng refresh at tumitingin ng mga photos of random people. :P

As of now, as you can see, nag-mumultiply ako. Blog-posting, friend-searching at nag-hahanap ng bagong layout. Di na ako na-kontento sa recent layout ko na First Kiss by Kuyabernz. Pramis! Ang galing niyang gumawa ng layout. Andami ko ng idol sa layout-making. Naka-iinspire ang mga works nila. All hail! Share.

As of now, may ka-chat ako sa YM ~ Yahoo! Messenger. I hardly know yung mga ka-chat ko. Pero, makikilala ko din yan sa takdang panahon. Haha. So, may ganung effect nang nalalaman ang mga tao ngayon? Kahit sino na lang ma-add then chat-chat na? Pwede aah.

As of now, soundtirp mode din ako. Need to ellaborate ba?

As of now, tinatapos ko na ang blog kong ito. Wala na akong masasabi.

Over and Out. :)