Two Days After the Event...
Ngayon lang ulit ako nasipagan na gumawa ng blog. And this time, may matinong topic na akong pwedeng gawin. Kaya medyo marami na rin siguro ang mga malalagay ko sa blog ko na totally makes SENSE.
So, here's how my blog goes.
4:45 A.M.
Maaga akong gumising para sa laban namin. Naks. Syempre, nakapag-computer pa ako para ma-harvest yung Pumpkins ko sa FarmVille at yung Chrysanthemum ko sa BarnBuddy. Madami pang time. Walang hassle. :) After nun, nanood muna ako ng TV. Sabi ko nga, madami pang oras para sa ibang gawain.
Quarter to Six.
Umalis na ako sa bahay. Nang makadating ako dun sa school, madami na ring mga participants na nandun. Yikes. So, hinanap ko muna yung mga kasama ko para hindi ako left-out. And i did. Hindi na ako nakapag-sulat ng pray-for-us message sa blackboard namin sa classroom kasi paalis na kami nun. Kaya no time. *Yes. Naiba na.
Mga 7.
Di ko namalayan ang oras ng pagdating namin sa EAC - Emilio Aguinaldo College sa Dasma. Basta nung pagbaba namin sa L300, isa lang ang nasabi ko sa place. "It's great to be back. xD". So, nung makahanap kami ng pwesto dun sa "reading area" nila, nag-review kami para sa Elimination Round. After a quick scan, ayun na.
Mga 8.
Nag-start na ang Elimination. Yung una, sa classroom lang kami nag-elimination. Habang nandun kami, lahat ng mga Second Year Participants nag-rereview. At kami, ganun din. Sobrang kaba. Sobrang sobra. Bigla na lang kaming pinababa sa AVR kasi kulang daw ng space dun sa classroom. Kaya lumipat kami at nag-start na. Ganito ang position namin:
| Di kilala | Von - HHIS | Di kilala | Xena - HHIS | Bakante | Ako - HHIS | Bakante |
Sa isang hilera lang kami. Di na nagkalayo. Sabi naman eh, "One seat apart". Kaya ayan, one seat apart nga kaming second year. :)
Mga 10.
Tapos na ang elimination. Nauna pa ang dalawa kong kasama. Nauna yung lalaki then yung babae, then ako. Mahirap eh. Inuna ko muna yung mga alam ko. Ang madali sa exam na yun ay yung mga Places. (e.g. What's the capital of ganyan ganyan) Mga ganun. Dun ako nadalian kasi memorize ko na. Pero ang pinakamahirap sa lahat ang ang dates. Hindi namin na-review ang mga dates. Kaya mukhang maliit ang chance naming makapasok sa Final Round. Yun ang nasa isip namin.
Right after nung Elimination.
After nung elimination namin, nawala na ang kaba ko. After nun. Tinignan ko yung libro ko. Yung hindi ko nabasa. "History of Asian Nations: Sixth Edition" So, habang binabasa ko, na-realize ko na yun pala yung reference nila sa paggawa ng exam sa elimination. Kaya ang sabi ko, "Sayang. Dapat ito yung binasa ko." Sayang talaga. As in saktong-sakto yung mga description nun sa mga tanong. Sayang! So, ayun.
Mga 11.
Mga 11 nag-start ang pinaka-program nila. Oo. Nun lang. May special numbers pa ang mga students sa EAC. Isang kantahan at isang sayawan. Pero, nagbasa nalang ako nung libro para kung sakali. Habang silang lahat, nagsasaya. So, tinawag na yung mga finalists. Kabado na kaming lahat. Isa isang tinawag ang mga schools from Grade One to Highschool. From Grade 1 to Grade 6, pasok ang Harrell. Edi masaya na kami. At ang mga Highschool Students samin, kabadong kabado na. Tinawag na ang sa First Year. Unfortunately. Di nakapasok ang HHIS dun. Kaya ang pumasok sa isipan ko na baka walang pumasok na Highschool sa Harrell. Aww.
Nung tinawag naman ang Second Year finalists, kinabahan na kami layo. So, binilang ko kung ilan na ang natawag nila para alam ko kung ilan pa ang chance namin sa pagpasok.
10... 9... 8... 7... 6... 5... Then.
HARRELL HORNE INTEGRATED SCHOOL!!! Syempre. Tuwang tuwa kami sa pagpasok namin. Edi lahat ng mga finalists umakyat ng stage and sinabay na rin ang pag award ng top notcher for that exam. Sa kasamaang palad, wala sa HHIS ang top notcher ng 2nd Year. Pero, masaya naman kaming makapasok ng Top 10. Pang 4 kami. Share!
Mga 12.
Lunch time na namin. :) Skip skip.
Mga 1.30.
Nag-start na ang Final Round. Syempre ang una, First Year. Ang highschool kasi, sa AVR ang Final Round Venue. Tapos ang Elem, sa Library. Kaya simultaneous ang mag event. Sayang talaga ang First Year. Kung nakapasok sila sa Top 10. Pasok sila sa Top 3 at makakauwi sila ng medal and trophy. Alam nila yung mga sagot sa tanong eh. Kaya ayun. Sayang. Nung sumalang naman ang 2nd Year, kinabahan na kami. And then, it started.
First Question. "What country is considered as the World's Largest Democracy?" Alam na namin agad. "India" ang sagot! Yes. Medyo nawawala na ang kaba namin. At sunod sunod na yun. Maliban na lang sa 4th Question ng Easy Round. "Who was the first prime minister of Sri Lanka?" Patay. Tao. Di namin alam yun! Time's out. Wala kaming sagot sa tanong na yun. At ang sagot. "Stephen Seyananake" Sino siya?!
Average Round. Perfect namin. Puro place ang tanong eh. Buti nga ganun eh. Hayy.
Difficult Round. First two questions, mali kami. Aww. 10 opints agad ang nawala samin. Yung first question, di talaga namin alam. "Who was the Filipino Architect who help the Vietnamese Refugees?", something like that yung tanong. And ang sagot, "Oscar J. Arellano". Buti na lang walang nakasagot. Bale, parang void question na yun saming lahat. Then yung second question. "Who led the Khmer Rouge in Cambodia?". Patay. Di ulit namin alam. Hula na lang kami. "Lon Nol". Yan ang naalala ko sa reviewer ko pero di ako sure. Unfortunately, mali kami at ang tamang sagot is. "Pol Pot". Aww. Nabasa ko siya eh. Pero, di ko naman alam na siya pala yun. Sayang talaga. Tapos yung isa ko kasama, yun yung nasa isip niya pero, di rin siya sure.
Kung nasagot namin ang POL POT na yun. Tie kami sa Sisters of Mary with 39 points for 1st place. And kung mangyari nga yun. Ang Clincher Question is, "When was India's independence began?" Di rin namin alam. Pero, sure na 2nd place na kami dun! Edi, may medal sana kami. Pero, okay lang. Out of how many schools in Cavite, we emerged 4th Placers. :)
Mga 7.
May handaan sa school namin. Pansit on the house! And we took pictures and stuff. And finally, HOME.
*Moral Lesson: WALA NAMAN. xD
(C) 2009 - Jerboe
No comments:
Post a Comment