Saturday, December 19, 2009

Christmas Party 2009

Say goodbye to: 2009 :)

December 19, 2009 - Saturday
Christmas Party na namin nung araw na 'to. Madaming nangyari. Madaming masayang alalahanin. Madaming memories to keep and gifts to give. Basta. All-in-one package na agad 'to.

9:00 a.m. something
Habang nag-cocomputer ako, biglang may tumawag sakin sa labas. Ayun, nandyan na yung classmate ko. Hindi kasi siya pinapasok sa loob ng school dahil hindi pa tapos yung program ng elementary. Kaya, naisip na lang niyang gumala sa Phase 1 at napadaan samin. Noon, na-decide ko na siya na lang yung kasama kong bumili ng cake at mag-paprint malapit sa Jetti.

10:00 a.m. something
Umalis na kami sa bahay. Naglakad lang kami papuntang Goldilocks sa Talipapa. Pero, naisip ko na mag-paprint muna kami bago kami bumili ng cake. Kaya diretso na kami dun. After ng print, ginupit ko na yung mga papel. Award kasi yung pinirint ko para sa party namin. Eh ako yung inatasan na gumawa. Ayun. Yun na. Then, after nun, bumili na kami ng cake and nag-jeep na kami papuntang school.

10:51 a.m.
Narating kami sa school. Wala na halos mga elementary dun. Diretso classroom na kami. Kaming dalawa palang yung nandun. Grabe. Kaya naglibot muna kami sa campus para hindi sayang sa oras. Nang may dumating na mga classmate, inayos na namin yung mga games namin para sa party. Isa - isa na silang dumating and nag-start na ang party.

11:00 a.m. something
Party time! To start the program, may short prayer kami from our so-called pastor. Anak kasi siya ng pastor kaya siya yung tinaguriang prayer leader of the day. After nun, start na yung mga games. First game is pinaghalong paper dance, paint me a picture, at musical chairs. All-in-one package na naman. Grabe. First try pa lang, sira na agad yung apat na manila paper na pinagdikit lamang ng scotch tape. Wala kwents yung pagdikit namin. Pero, ayos lang. Tawa naman kami ng tawa. Next game. Spin-D-Bottle. Iikot mo yung bottle then kung sino yung tinuro, siya yung tatanungin. If he/she didn't answer the question within 3 seconds, iikot niya yung bottle ulit and kung saan ito tumapat na baso, yun yung iinomin niya. :) Saya.

12:00 n.n. something
Chibugan na! Daming food. May pasta, cake, mantou (stuffed bread stix), manok, donuts, brownies, drinks, and many more! Busog kami. Ayy. May icecream pa pala. :)

1:00 p.m. something
Gift-giving na. Do the math. Nakuha ko green t-shirt na may hood and somewhat tribal design.

1:30 p.m. yata
Awarding ceremony na namin. Puro kalokohan lang naman yan. At selected lang ang mga may award. Sa Farewell Party na kasi yung astigin na awards. Parang certificate na. Kaya hintay na lang hanggang March yung mga hindi nabigyan.

2:00 p.m. something
Tapos na ang party. Pero, naisip pa naming mag-Ministop para hindi sayang ang araw. Nilibre din kami ng isa kong kaklase na bigla na lang tinutopak. *Baka dahil dun yung libre niya. XD

3:00 p.m. something
Pumunta kaming GreatWoods. Dun sa bahay ng classmate ko. Di ko alam kung bakit kami pumunta dun. Tumambay lang naman kami. Nung mag-4 na, nagpasya na naming umuwi na lang.

---- **

January 4, 2010
BACK TO SCHOOL :)

"Tapos na ang lahat."

All Rights Reserved 2009
Jerboe :)

No comments:

Post a Comment