31st of August 2009
A Monday Evening
Last day na ng August. Next stop? September na! Wew, ambilis ng oras. Parang kahapon June lang, tapos bukas, Spetember na? Ano sunod? March?! Aba. Ibang klase na yun. Parang nasira ung time machine na sinaksayan ko. Bigla bigla na lang na nag-fafast forward. Pero, bakit ayaw mag-rewind? Nawawala ba ung pindutan nun? O sadyang sinira lang ng tadhana? Anyway, ang layo na topic ko sa topic natin ngayon? Ano start na...
3 days ago, August 28, 2009, ay ang aming Culminating Day para sa Buwan ng Wika. Syempre, may presentation sa umaga, tapos sa tanghali, ung kainan. Skip na natin ung presentation nung umaga. Hindi naman kami halos nanood eh. Ako, syempre, kailangan ko. Para sa Scribe eh. :)) Anyway, nang matapos ung presentation, diretso na kami ng classroom. Tanghali na kami nakakain dahil, antagal bago dumating ng Andoks namin. Puro, puto na lang kami at Iced Tea. At last, dumating na.
Nung August 27, 2009, birthday ng isa namin classmate. So, nung bumababa siya. Nag-plano kami na mag-bigay ng surprise party sa kanya. Kasabay na nung sa Culminatind Day sa Buwan ng Wika. Kaya wala na masyadong gastos pag dating nun. Handa lang naman namin sa kanya eh, isang cake galing Goldilocks. Nung kakain na kami, sinadya naming ibaba muna siya para i-handa ung cake. At nung pataas na sya, piniring namin siya at saba'y kumanta ng Happy Birthday habang siya'y natulala at medyo paiyak na. Teary-eyed na nga siya eh. Di niya yata expected yun. Except na lang nung piniringan namin siya.
So, magandang ang umpisa ng pagkain namin. Yung iba nga halos paiyak na rin. Syempre, naka-totouch naman. Ikaw ba naman? Bigyan ka naman ng isang surprise party? Di ka kaya maiyak or maluha? Pakipot! Anyways, andami yatang nainggit samin. Eh kasi, may mga ibang students na panay tingin samin. At naka-smile. Lalo na si "Kahel" or si "Bampira" or si "Edward". Basta. Sa may nakaaalam kung sino yung tinutukoy ko, sa inyo na lang. Wag niyo na ipagkalat. Except na lang kung gustong malaman. XD
Pagkatapos namin kumain. Naglaro na lang kami sa classroom at nag-picturan. Mukha na ngang Farewell Party eh. Hayy. Basta masaya ung party na yun. Natalo man kami sa Elimination Round. Nanalo naman kami sa pagkain!!
"Manalo, matalo. Cute parin kami." :P
~ A Representative from Second Year - Bonjour.
[ Aliart Jerboe S. Ocampo ]
No comments:
Post a Comment