Ito na naman ako't walang magawa. Kaya naisipan na namang mag-blog habang kumakanta ng "Yoi Belong With Me" ni Taylor Swift. Here it goes.
Syempre, bago ako nag-start gumawa ng blog, iniisip ko muna kung ano ung content na ilalagay ko. Actually, kahit ano naman pwede kong ilagay. Basta may malagay ako. Kaya nga blog eh. Para san pa ung term na blog kung limited lang naman ung mga content na pwede mong ilagay? Mga tao naman talaga oh. Walang sense minsan. Mostly may sense. Pero nagiging non-sense na din ung topic na pinaguusapan. Anlayo na nung topic sa main topic. Parang computer tapos naging gunting. Huh? Ano daw?
Anyway, ano nga ba ung mga gagawin ko ngayon school year na ito, 2009 - 2010. Grabe. Magiging 2010 na. Magiging 16 na ako nun! Wew. Antanda ng mga tao sa mundo! Grabe. Change topic. Things to do. Ano nga ba? Madami eh. Pero, ito palang ung mga na-lista ko. Naisip kong gawin ito dahil, wala lang. Wala talaga akong magawa sa araw na ito. Ano ba ngayon? Friday right? Hehe. Nakalimutan ko na eh. Haha. :) So ito na:
- Matapos yung mga kailangang gawin sa Sabayang Pagbigkas namin sa Buwan ng Wika. Bakit ba kasi ako ung naatasan? Pero okay lang. Dagdag points siguro yan;
- Makasali *sana* sa mga Mind Challenges na mangyayari or mga Quiz Bee. Malapit na rin kasi ung Math and Science Month. Kaya siguro meron yan;
- Makasali rin sa camping sa Scouting Month. Meron siguro yan ngayon. Yata;
- Makasali na rin sa iba pang kaganapan sa November, December, January, February, at March;
- Matapos na yung pagbabasa ko ng HP7, Kapitan Sino, at Diary of a Wimpy Kid. Oo, mabagal talaga ako magbasa. Busy ako eh. Di ko kayang mag-multi-tasking. Except na lang 'pag trip ko;
- Paabutin ang karma ko sa 100 by the end of the year;
- Mag-practice mag-gitara;
- Matutong mag-piano;
- Kung pwede rin ang drums, edi sige;
- Maging Gold Medalist *yabang*;
- Gawin nang mabuti ang pagiging Photojournalism Editor ng Scribe *isa pang mayabang*;
- Mapanood ang 2012 with my friends sa November 14. Settled na yun;
- Magkaroon ng isang magandang birthday. Kailangan memorable;
- Ma-regaluhan ang mga close friends at inaanak, si CornBeef. HAHA;
- Magkaroon na ng 1GB na RAM;
- Pagandahin ang FS ng Bonjour;
- Mapanood na rin ung iba ko pang gustong panuorin na movie; and
- Magkaroon ng BEST year ever. :)
Well, ito na muna ung mga malalagay ko. Hanggang diyan lang ung kaya ng kapangyarihan ko eh. Gawa na lang me ng isa pang blog para sa kaduktong ng blog na ito. Siguro iba na rin ung title. Wa-poys 'pag may part 2 eh. Nakatatamad na. HAHA. Ewan! Basta yun na yun.
Ingats na lang people. :)
-- Jerboe �
No comments:
Post a Comment