August 7, 2009. Between 6:00 p.m. - 7:00 p.m:
Pumunta ako sa bahay ng pinsan ko. Nandun kasi ung ate at ung kapatid ko. Meron ding nilutong spaghetti ung pinsan ko. Ewan ko ba kung bakit sila nagluto nun. Though, wala naman sigurong occasion or anything. Pero, i think na meron. Hehe. English-an eh. :P
Ayun, nag-computer muna ako syempre. Can't live without it. :) Gamit ung mini-laptop, dahil maliit lang syempre, pinagtyagaan kong mag-barn buddy at plurk at the same time. Take note, wala pang mouse ung gamit ko. Mismong ung pad lang. Napagtyagaan talaga. Hehe. *Anyabang mo!* Anyway, nang matapos na maluto ung spaghetti, kumain na kami at nagsi-patayan na ng laptop.
Masarap naman ung nilutong pagkain ng pinsan ko. Pero, mas masarap parin ung samin! HAHA! Joke lang. :) Pare-parehas lang naman halos eh. Hehe. May special ingredients lang samin. Kaya ganun. Nga pala, alam niyo ba ung pamangkin ko eh, ayaw ng spaghetti? HAHA! Weird no? Saan ka nakakita ng batang ayaw ng spaghetti? Diba, lahat ng bata gusto ng spaghetti? Except na lang ung may medical conditions na allergic sila sa spaghetti, hotdog, tomato sauce, mushroom, giniling, paminta, asin, noodles, or kahit anong ingredient na nasa spaghetii. Pero, ung pamangkin ko, ayaw talaga. Ayaw niya ung lasa ng spaghetti. Lagi siyang sumusuka kapag nakakain nun. OC ung bata na yun pagdating sa lasa eh. Ayaw niya ng spaghetii, ayaw din niya ng gamot, gusto lang niya, PANSIT! Maka-pilipino talaga. Mga bata naman talaga ngayon!
Going back, nang matapos ako sa pagkakain ko ng spaghetti, pumunta ako sa may counter dun sa may kitchen nila para kumaha pa ng 2nd round ng spaghetti and coke. Habang hinihintay kong mabuksan ng ate ko ung coke. Bigla na lang naging sprinkler yung coke!! Nabasa tuloy ung plate ng pinsan ko, medyo sa plate ko, ung ref, ung upuan, ung sahig, ako, at ung ate ko. Syempre, sa sobrang gulat eh di na halos kami makagalaw. Biglaan kasi ung pangyayaring iyon. Unexpected kumbaga. Ayun. Ang lagkit namin. HAHA!
Medyo naumay ako ng konti kasi may coke sa plate ko, pero nilinis ko naman, tapos nilagyan ko pa ng spaghetti. Bali naka-2 rounds ako. Hehe. Sorry ah. Adik sa pastas eh. As well as, PIZZAS!! Maka-italian foods ako. :P Anyway, natapos ung pagkain ng spaghetti nung kasama ko ung kapatid ko na kunin ung walong yelo sa tindahan para dun sa handaan nila. Di ko alam kung may birthday or ung farewell party nila. Pero sure akong farewell party yata. Or pwede ring get-together. Kasi may bisita daw silang dadating. Hmm. Ano kaya?
So, ayun, gutom?
-- j'Boe. �
No comments:
Post a Comment