Another blog by yourstruly. :) Actually, nung Friday ko pa dapat ginawa 'to. Kaso, gabi na nun. At inaantok na talaga ako nung maganap ung foodtrip sa bahay. Kaya, ngayon ko lang naalala ulit na may gagawin pala akong blog. At ito na yun.
August 14, 2009. A Friday. Nang makauwi ako galing school, walang tao sa bahay. Nakalock pa ung bahay. So, tinignan ko kung nandun sa tita ko ung susi. And, nandun! So, all alone ulit ako sa bahay. Walang asungot, walang istorbo! Yahoo! Makalipas ng madaming minuto, dumating na sila kuya na may bitbit na bag ng SM. "Panigurado nag-SM na naman sila", sabi ko sa sarili ko. And totoo nga. Tacos Night na naman mamaya! Hehe.
Habang naglalaro ako ng computer, tumawag ng pinsan ko saying, "Punta kayo dito, may spaghetti!" So, punta naman ako. Syempre nauna na ako. Sinabi ko na lang kayla kuya na sumunod na lang sila at may spaghetti dun. Ayun, tumakbo na ako. Pagkadating ko dun, madami pa pala. Kala ko kasi paubos na. Kaya tumakbo ako, pero, meron naman pala. Sayang naman ung force. Pero, ayos lang. Exercise din yun. Hehe. So, ayun. Kumuha na ako.
Naka-dalawang rounds ako ng spaghetti. Adik! Tumambay muna kami dun para ma-digest ung pagkain. At nung mag-7 na. Umuwi na kami. Kailangan pa pala kasi mag-saing. Naman naman. So, diretso computer ulit ako para ma-check ung Barn Buddy ko at ung Plurk ko. Andami ko agad na unreads dun. Halos 150+! Adik na mga tao. :))
Umuulan na ngayong oras na ito. Naamoy ko na naman ung simoy ng lupa. Lumalamig na naman. Buti naman na lumamig. Ang init kanina. Mga 12 noon to 2 ng tanghali. 40 degrees centigrade na yata nun eh. *hyperbole* Ngayon, nag-drop na siguro ng 30 degrees. Medyo lumalig na. *brrrrr*
Anyway, nang matapos kaming maghaponan, nag-ayos ayos muna ng mga gamit at nagkalat ulit. Naghanda na kasi sila kuya para sa inuman nila. Chibog: Tacos and Nachos. Mexican foodtrip na!! So, ako, syempre, nasa tapat lang ng computer at naghihintay para sa pagkain. Nang matapos, kanya-kanyang dampot na ng ingredients. Ako, cheese at giniling lang. Hehe. Tapos may side dish pang fishballs!! Wew! Busog na. :)) *burp*
Ngayon, sa kakaisip ng pagkain, gusto na ulit kumain ng ganun ulit. Next Friday, sana Italian naman. Pizza at pastas! Syempre, tutulong na ako sa paghanda. Favorites ko na ung gagawin eh. Or pwede ding, American. Hamburgers and Footlongs. Or pwede ring Filipino. Chicharon, balot, at sisig!! Andaming pagkain na pwedeng maihanda sa inuman nila kuya. Pwede mo ring idagdag ang deserts only. Or, ung recreational portion. Sa deserts only, ano pa ba kailangan kong i-explain. Puro deserts na lang! Sa recreational, dito na kami nag-eexperiment ng bagong pagkain. Naalala ko nung gumawa kami ng bite-sized empanada. Gawa sa molo wrapper at simpleng sisig yata or giniling.
Hayy. Nakagugutom na talaga. Ansarap kainin ng blog na 'to. :)
Bye for now.
-- Jerboe. �
No comments:
Post a Comment