Friday, August 28, 2009

Bacon and Cheese - Melt

Ito na naman ako at nag-bloblog.

Naalala niyo pa ba ung blog ko tungkol sa Mexican Food Trip? Well, nagkatotoo ung American Food Trip namin. Dahil kagabi, August 28, 2009 Friday, ay nagluto sila ng burgers. Di ko alama kung ano pumasok sa isip nila kung bakit sila bumili ng burger patties, giniling, at gulay sa SM. Pero, sabi sakin ni Kuya na, gusto daw niyang mag-burger kaya, instead na pumunta kami sa SM, ung SM ung pumunta samin.

Maliban sa burger, gumawa din kami ng Grahams. Yung Tiramisu. Layer after layer after layer after layer after layer. Yun ung ginawa namin. Nakatatakam na nga nung ginawa namin, what more kung nakain na namin? Siguro nagkakandarapa na kami sa sarap ng Grahams. Sa grahams at condensed milk ng Alaska eh, solve na. Haha. So, may pagkahalong Japanese *sort of*.

Bago kami gumawa ng burgers, syempre, nag-hapunan muna kami. Tapa ang ulam. Sabi samin na konti lang daw ung kainin namin para makakain pa kami ng burger mamaya. Pero ako, todo kain. Di ako nabubusog eh. *halos*. Bilis daw kasi ang metabolism ko kaya ganun ung mga nangyayari. Anyway, after eating, syempre, nagligpit muna sila ng mga gamit tska mag-gugulo muli. At ako, computer lang buong gabi. Intayin ko nalang ung burgers bago ako tumigil.

Ayun, nagkalat na naman sila. Ambango nung giniling habang niluluto sa kawale. Ingay din nung kutsilyo habang hinihiwa ung mga kamatis. Hayy, kagutom. Naalala ko tuloy. Gutom ulit ako. Haha. Pero ayos lang. Kakain na rin kami within 3 minutes. *yata* Di ako sure eh. Sensya na. Anyway, halos 30 - 60 minutes nilang ginawa ung mga burgers. Syempre, may halong nood ng TV, bantay sa paglalaro ng CABAL at FLYFF, at konting pahinga. Pero kung diniretso nila yun, within 20 minutes eh nakakain na kami.

Nang ma-serve na ung mga burgers. Wew, heaven!! Sarap nung burger! Palaman? Melted Cheese, at Bacon. Yung iba may gulay, kaso ako, ayoko eh. Kaya ayun, wala. Ung melted cheese is basically Cheese-Whiz. Hindi na kami nagtunaw ng keso para makakuha lang ng ganung consistency. Parang Jollibee ung ginawa namin. For the Tiramisu, unfortunately, hindi pa namin makakain kasi, ndi pa ganung katigas ung cake. *oo, mukha na siyang cake* Actually, cake nga talaga yun. *yata*

Ayun, kinaumagahan, gumawa na naman sila ng burger. Pero ngayon, simpleng burger na lang. Sakin, burger patty at buns na lang. Ayoko nung gulay eh. Tapos may coleslaw pa. Eh, wag na muna. Maduga nga ung iba diyan eh. Nag-dodobol-patty. Haha. Sana nagawa ko din na ganun ung ang akin para mas sulit. Naka-dalawa nga ako eh. Yehey!! Hehe. Pagkatapos yun, binuksan na nila ung Tiramisu. Wew. Ito na! This is it!! Woot! Grabe anlamig nung grahams. Pero, okay ah. Thumbs up siya para sakin. At ngayon meron pang natira. Siguro hanggang mamayang gabi pa yun. Basta wala lang muna na swapang diyan.

Ciao.
~ Jerboe. :)

No comments:

Post a Comment