Ngayon ko lang na-realize na, OCTOBER na pala! Grabe. Ang bilis talaga ng oras. Minsan, hindi mo na namamalayan ang oras kaya 'pag tingin mo sa relo mo, hala! Time na pala. Minsan, gusto mo na huminto na lang ang oras dahil napakasaya na ng moment na yun. Hindi mo na ma-eexperience ulit yun, kundi i-rereminisce mo na lang afterwards through photos and such. Kaya, kung sino man ang makakapag-imbento agad ng time machine, well, congrats and well done!
Masaya naman siguro kung ikaw yung naka-imbento ng time machine. Lalo na kung buhay ka pa. Fame and money, nasa iyo na kapag nagawa mo lang ang simpleng bagay na yun. Popular ka agad, worldwide. Every person on the earth would know your greatest contribution. With the time machine, malalaman na natin ang katotohanan. Malalaman na natin kung saan tayo ng galing and how the earth was born. Lahat! Lahat malalaman na with a flick of a switch. Pero, matagal pa yun. But it is possible.
Why can't time stop or just slow down? Why? Pwede naman na huminto muna para sulitin ang given time. Pero, bakit hindi pwede? Why does it goes on and on forever? Bakit?! Masaya na nga yung moment din mabilis lang ang time? Iba na yun. Pero, may reason naman dun and i don't know why. But, while i type this blog, naiisip ko ang motto sa Meet the Robinsons. "Let go of the past and Keep Moving Forward." Maybe that's the reason. We have to learn to forget the past, live the present, and think about the future. Baka ganun nga. So, may point pa ba ang pag-gawa ng time machine?
Time? Slowing down? Possible. Actually, nagagawa na nga yun eh. Pero, through high-speed cameras. Slow-Motion effect ang tawag. Recalling ang show na, Time Warp. Astigin yun eh. Makikita mo ang every movement ng katawan or bagay in a slow movement. Basta astig siya. Tulad ng pagputok ng popcorn. Hindi naman natin nakikita ang pagputok niya. So, gumawa ang Time Warp ng experiment at ni-record nila hanggang sa pumutok na yung popcorn. Ayun, hintayin niyo na lang siya sa Discovery Channel. Hindi ko alam ang date and time.
Time. Time. Time. Hanggang memories na lang tayo. Matagal pa ang time machine. Siguro kapag nagawa na yun, wala na tayo sa mundo. Pero, meron naman na small chance na ma-imbento yun hanggang may tao pa sa mundo. Pero, sana, ma-imbento na yun ngayon na. As in, ngayon na. Masayang malaman ang history ng tao at ng mundo. Wala ng tatalo dun.
Waaah. Di ko parin ma-accept na ang bilis ng oras. Siguro, bukas, graduation na! Hala. Skip? Hindi naman pwede yun. Eh kasi naman, parang kahapon lang June tapos ngayon October na. Diba ang bilis? Parang walang nangyayari. Naalala ko din yung journal ko nung first year. Na as in, every day nagsusulat ako. Kaya alam ko kung ano pa yung mga pinag-gagawa ko nun first year ako. Sayang nga lang ngayon. Hindi ako nakapag-sulat eh. Nawalan ako ng notebook para sulatan. So ang journal ko na lang ngayon ay para sa scribe ko at important events. Para hindi ko naman makalimutan ang mga nangyari sa buhay ko.
Journaling. A great habit. Share ko lang ito sa inyo. Dahil sa school, meron kaming journal for every subject. Kailangan namin gumawa ng summary at reflection about sa topic namin. Ma-eenhance din namin ang writing abilities namin, widen our vocabulary, and most importantly, to boost our confidence in expressing our innermost feelings. Madalas, puro babae lang ang gumagawa nun. At madalang for the boys ang gumagawa nito. Study shows that girls have great confidence in expressing their feelings while the boys tends to hide their emotions with their self. Kaya we need to express our feelings. Like this blog entry.
Okaay. Ang layo na pala ng topic ko dun. Tune in next time for other fascinating blogs from yourstruly. :)) Keep reading. And leave comments if you want. ;) Godspeed.
No comments:
Post a Comment