October 14, 2009 Wednesday
Itong araw na ito nangyari ang taxidermies namin sa school. Part yun ng requirements namin sa Biology. Madali lang naman mag-taxidermies. Pero ang mahirap na part lang dun ay ang papatayin yung specimen! Wag ka, rabbit yung amin!! Sobrang naka-aawa yung pagpatay namin. Sinasakal namin eh. At tsaka antagal bago namatay yung amin. At, wag ka, siya pa yung pinakabata sa mga specimen!
Andun na kami sa lab. Sinuot yung lab coats and yung gloves at masks at pinatay na namin yung rabbit namin. Our rabbit's name is POPET. Hehe. Nakakaawa nung sinasakal namin siya. Ako, nakahawak lang ako para hindi pumalag. Hindi rin ako nakatingin sa rabbit. Pero, nakikita ko namin yung rabbit ng iba. Sobrang attach na namin sa rabbit. Kahit one day lang siya sa amin, iba parin talaga! So, mahirap lang really.
Sayang din yung effort nung ibang nagtanda hirap na maghanap ng rabbit na kung saan-saan na lang sila nakapunta. Naka-abot yata sila ng SM Bacoor nung araw na yun para lang makabili ng rabbit. Sabay papatayin lang naman pagdating sa school?! Aww.
So nung matapos na naming hiwain yung balat, tanggalin yung laman-loob, at i-stuff ng cotton at tahiin ulit, tunurukan na namin ng formaline yung mga specimen. And dinesplay na namin ito sa lab. Hayy. Mukhang buhay na naman siya! Kaso, na-stroked.
Hehe. A job well done.
~ Jebo.
Friday, October 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment