"TIME TO GET BUSY!"
[ : ] October 28, 2009
11:14 a.m.
Hinihintay ko pang matapos yung charge ng battery ko sa camera para ma-send ko na yung mga pics para sa school. Nakalimutan ko kasing alisin i-compile yung mga pics sa computer ko. Kaya ayun, medyo na-late ng konti. Pero, kaya naman yun. Haha. Buong araw kong aayusin yun. Kasama pa yung mga lead ng bawat pic. Hayy. Busy. No time for Fb? Wrong!
12:00 - 6:00 p.m.
Time to take for the compilation of the pics with customized captions, editted, and finalized. Anim na oras kong gagawin yun. Kasabay ang pag-haharvest ng mga crops ko sa FarmVille. At iba pang extra. Hmm? Kaya kaya 'to? Tapos gagawin ko pa yung mga kailangan ko para sa camping bukas and the other day. BUSY!
6:00 - What so ever p.m.
Siguro free time ko na ito. Aayusin ko na lang yung mga kailangan. Mag-iimpake na ako para sa camping. Haha. Ano pa ba? Battery, FarmVille, Camping, Pictures w/ caption... Yun!
[ : ] October 29 - 30, 2009
Camping time!
8:00 - 10:00
Ang Girl Scout Investiture. Need kong pumunta ng maaga para makakuha ng pictures and stuff. Kaya maaga akong gigising, maagang mag-tatanim ng crops and ano pa? Yun lang yata. Tapos uwi na lang ako ng mga 10 or 12 para kunin yung gamit ko, or dalhin ko na agad? Hmm.
10:00 - 12:00
Boy Scout naman. Picture picture ulit. Panigurado nandito na yung mga ka-troope ko. Pero, sana, maaga silang pumasok para may kasama naman ako kahit paano. Magiging OP naman ako kung ako lang mag-isa sa dug-out. Haha. *Ayaw mo nun? Ikaw una? Panget! Anyway, ayun.
12:00 and 8:00 the next day
Ito na yung in-door camping namin with tons of surprises daw. Mukhang maganda ngayon kasi, yung bravery test, treasure hunting and hiking ay aabot hanggang Phase 1, Eco-Park, Phase 2, Phase 4, and baka Phase 5. Kasi nakita namin sila Sir Ranny w/ Sir Sam na naglilibot nung Monday sa Phase 4 yata. Di ako sure kung dun nga ang mga activities. And also, sa labas ng kami matutulog kasi tents na. Bawal na classroom! Di na lang ako matutulog kung hindi ako makatulog. Haha. Soundtrip na lang buong gabi. Tutal, maaga naman din kaming gigisingin.
8:00 a.m. - and so forth.
Rest mode and free mode sa gabi. :)
[ : ] October 31, November 1, 2, 2009
Sa mga panahong ito, sisimulan ko na yung research paper sa biology. Introduction lang naman hanggang review of related literature. Chapter 1 and 2. :) Kaya madali na lang yan. Kasama pa ba yung abstract? Or yung intro at RLL lang talaga? Ask ko na lang si sir.
[ : ] 2nd week of Nov.
Pasahan nung draft ng intro at RLL.
[ : ] Month of Nov.
Ito na ang time para gawin na namin yung news broadcasting namin sa S.S. or Social Studies. Ito na yata yung project naming Bonjour for the 3rd Quarter. Pagandahan kami with the other sections. Panigurado, may section war na naman ito. Hayy. Walang tigil ang gulo sa mundo! Ako, ako na lang mag-eedit nung video namin. :) Peace.
[ : ] 1st week of Dec.
Wine-making na namin para sa Bio. Andami kasing pinapagawa samin ni Sir. Wala nga kaming project, pero may experiment naman kami. At ang hirap pa. Pero, masaya naman kahit papaano. Natutuwa kami sa mga pinag-gagawa namin. Lalo na nung Taxidermies. Wee. Naalala ko tuloy si Popet. Hmm. Andami pala naming kailangan sa mga kagamitan ng wine-making.
[ : ] 1st week of January 2010
Pasahan ng final draft ng research paper. So, may 3 months kami para gawin yun. Hayy. Anhirap naman. Buti na lang monggo yung tanim para mabilis tumubo. Problema na lang ay ang DEFENSE!
[ : ] February 2010
Defense. Dito na namin i-dedefend ang aming research paper. Thesis-like baga. Medyo mahihirapan kami sa 'pag defend nito. Yikes! Woot. Good luck na lang. :D
[ : ] Unknown dates
TLE Projects and Stuff
Tree Production - di ko alam kung kelan namin gagawin ito. Pero, magtatanim kami ng puno ng mangga at aalagaan namin ito hanggang sa tumubo ito at bumunga. Hayy. It will take 3 years i think. So, 1st year College na kami nung time na yun. Hala.
Pictures - project yata ito sa Computer Class. Siguro sa November 4 kami mag-stastart. Pero, di ako sure kung yun nga yun. :) DSLR gagamitin namin!
* Yun lang yata as of now.
(c) Jerboe 2009
No comments:
Post a Comment