Sensya na, ngayon ko lang na-post ito. Dapat kasi kahapon pa. Pero, pagod na ako para mag-type at mag-isip kung ano ung mga nangyari. Kaya ngayon lang ako nag-start na mag-blog ulit. So, ayun. Start. :)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
6:00 a.m.
Gumising ako ng maaga para makapag-ayos ng gamit, mag-tanim sa FarmVille, at ayun. Hehe. Actually, dapat mga 1 pa ako papasok. Eh, kailangan ko ng pictures ng Investiture para sa Scribe. Kaya nagising ako ng maaga. Pero, ayos lang. Sanay na naman ako sa maagang gising eh.
7:14 a.m.
May unexpected guests na dumating samin. Bigla bang dumating yung tatlo kong classmate para humiram ng charger. So, pinapasok ko sila at naghintay na rin para sabay sabay na kaming papasok. Edi, nagmadali naman ako. Hehe. Ayos lang yun. Wala naman din akong kasabay pumasok kung hindi sila dumating.
8:00 - 12:00 nn
Investiture. Edi, picture-taking mode ako. Nung pumasok ako. Ako palang ang second year sa patrol namin na dumating. May mas maaga pa sakin eh. Grade 4. Bale, ako yung pangalawang pumasok. Grabe. Ang aga ko pala! *Ayaw mo yun? Special.* Anyway, nung may mga dumating na second year, chat mode na ako.
12:00 - 1:00 p.m.
Lunch time! Nag-gala kami sa campus. Punta dito, punta doon. Kain dito, kain doon. Soundtrip dito, soundtrip doon. PSP dito, PSP doon. Hayy. Wala kaming magawa 'no?
1:00 - 4:00 p.m.
Nag-start na ang Scouting Activity. Bale, yung time na ito, station-by-station na kami. First stop, Station E - Phase 1 B-Court, Survival Tips. Kasabay namin ang female counterpart namin. Ang Troop Arayat. Nandun yung mga girl Bonjours at yung iba pa. Ito ang complete course namin sa scouting.
- Station E - Phase 1 B-Court : Survival Tips
- Station F - Phase 1 Playground : Trail Signs
- Station G - Phase 1 Lot : Basic Cooking
- Station H - HHIS Covered Court : Scouting Songs
- Station A - Originally, HHIS Grade 1 Building but changed to "Infront of School Clinic" : First Aid
- Station B - Originally, Infront of HHIS Canteen but changed to "Infront of School Lobby" : Tent Fixing
- Station C - Pre-school Building : Bandaging
- And last, Station D - Eco-Park : Scout Symbols a.k.a. History of Scouting
After nung mga stations, proceed na kami sa cook-off.
4:00 - 5:00 p.m.
Nagluto na ang mga naka-assigned na chefs. And kasama ako dun. :) Edi, nagbaga na, naghugas, nagluto and stuff. Basta kung ano ang ginagawa sa pagluluto, nagawa namin!
5:00 - 6:00 p.m.
Eating time! After nung pagkain namin ng mga pinaghirapang luto, nag-praktis na kami para sa Yell namin. Happy-go-Lucky kami eh. Kung ano na lang ang ma-present, hope it wins. So, ang tinodo lang namin ay ma-memorize yung lyrics.
6:00 - di ko na namalayan ang oras
Nag-start na ang Campfire Activity. So, nag-present na ng isa-isa ang bawat troop and patrols. Ang score namin, 7-7-7 by the Judges. Ang nanalo sa boys, Lawin and sa girls, Cordillera. Ayos lang yun. At least, we did our best.
8:38 p.m. - mga 12 a.m.
Dito na umuwi ang mga chikitings. And dito na nag-start ang mga bravery test and such. Yung una. Di ko gets ko ano man yun. Basta pinagbilang kami ng 1 - 5. And kung sino nakakuha ng 1, bulag; 2, pipi, 3, bingi, 4, pilay, 5, walang kamay. It's a matter of paglalagay nung handkerchief sa mga parte na may disability. Sa kasamaang palad, napunta sakin ang pilay. Bali kailangan kong tumalon, or magpabuhat. Tinesting namin na buhatin ako, kaso aakyat ng hagdan kaya talon na lang. Pinalipat ko din sa harap ko yung isa kong classmate na bulag para ako yung mata niya. Do the math. After nun, lahat na kami pina-blindfold.
12 - 2:47 a.m.
Medyo napagod ako sa bravery test na yun. Andami naming dinaanan at ginapangan. Kung saan-saan kami napadpad and ayun, nakauwi na rin sa wakas. At ang sakit ng mata ko. Edi, nag-bihis na kami. Buti na lang ako, naka-itim kaya di masyadong nadumihan. Pinagpag ko lang ang sarili ko at nag-hilamos. Nagpalit na rin ako ng damit para sure.
Nung una di ako makatulog. Actually, dapat sa labas kami matutulog. Sa may mga tent. Eh kaso, yung nagdala ng tent, kulang ng pegs! And hindi alam kung paano i-aassemble. Kaya, napilitan na lang kami sa paggawa ng tent out of bamboo and sacks. Pero, maliit lang ang nagawa namin. Kaya yung mga bata ang pinatulog namin. Oo. Yung mga bata pa ang natulog sa tent.
Nung mga oras na yun. Tatlo kaming pumunta ng canteen para bumili ng makakain. Pero, nung babalik na kami. Ayaw na kaming padaanin kasi, pabalik-balik kami. Eh, dalawang beses palang kaming dumaan dun. Kaya nandun lang kami sa loob ng tent at nag-iisip ko ano ang pwedeng solution sa problema naming maka-balik sa dug-out. At sa wakas dumami yung tao sa may daanan namin kaya nakalusot kami.
2:47 - 4:31 a.m.
Ito lang ang oras ng pagtulog ko. 2 hours lang halos. Ginising ako para magluto ng almusal. Pero, pina-assemble kami at ang mga Scout Advisers na lang ang magluluto. Halatang antok ang lahat sa morning devotion.
4:31 - 6:00 a.m.
Dito naganap ang breakfast-eating, morning devotion at exercise ng mga scouts. Hayy. Yun lang.
6:00 - 8:00 a.m.
Dito naganap ang pag-aayos ng gamit at ang awarding ceremony. Matagal kaming naka-upo lang sa may covered court at walang ginagawa. Kasi, yung mga mabibigyan ng award ay pinag-iisipan pa nila. Haha. Hindi naman ako nakakuha. Puro, kalokohan ung mga awards eh. Hehe. Ang Patrol Uwak, at kami yun, nanalo ng Best Flag and Cleanest Dug-Out. :) A job well done.
- - - - - - - End of Camping - - - - - - -
Natapos ang camping namin, na PAGOD ang lahat.
(C) Jerboe 2009
No comments:
Post a Comment