Okaay. Sa ngayon, eh wala akong magawa. Naisip ko na, mag-blog na lang ako. Baka may ma-express naman ako kahit papaano. So, pag-bukas ko ng Multiply.com ko, diretso sa Compost Blog. Ito na, wala na akong maisip na topic para malagay dito. Oo, minsan nahihirapan din naman ang mga bloggers sa pag-iisip ng topic. Pero, hindi ko alam kung bakit naisipan kong mag-lista ng pet peeves ko. Masaya naman din kung mag-lista ka. Para aware ang mga tao sa paligid mo at hindi ka nila ma-irita!
Teka, alam mo nga ba kung ano ung ibig sabihin ng pet peeves? Well, pet peeves are the things you get irritated at. In short, mga kina-iirita mo. Yun yun. Bakit nga ba tinawag na pet peeves yan? Yung una nga eh, kala ko mga pets as in alagang-hayop. Pero, hindi ko pa sure kung yun nga yun. Kaya pumunta ako sa reference.dictionary.com para malaman yung meaning nun. Yes. :)
Anyway, here's my list of biggest pet peeves:
- Attention-seeking people - in short, papansin. Bakit ba kailangan nilang maging bida kahit na hindi naman kailangan? Haha. Di ko alam kung ano yung sinabe ko. Kailangan bang sila palagi ang sentro? Hindi naman diba?
- Liar, liar, burning fire - mga kabog, sinungaling. Kailangan pa nilang ipagmalaki ang wala sila. Wala na nga, dinadamay pa yung bagay na yun. So, kung wala ka nito, pwede mo naman sabihin na wala eh. Di na kailangan na mag-sinungaling.
- Windy people - mga mahangin, mga mayabang. Hindi naman din kailangan na magmayabang eh. Parang papansin na rin yung mga ito at sinungaling. Kasi, sasabihin nila magaling sila dito, pero hindi, at the same time, gusto nila ang attention ng iba para mapag-mayabang ang wala sila.
- Oh-so dependent person - ito naman yung mga masyadong dependent na tao na kung ano may gagawin siya, ibibigay na lang sa iba para sila na ang gagawa. Minsan, nangyayari rin ito sa mga group activities na, kapag nakita niyang masisipag ang mga kagrupo, eh, sila na lang ang gagawa.
- Feeling-angaz - mga feeling maangas na tao kahit na di bagay sa kanilang maangas. Sa mga ito, tigilan niyo na! :P Hindi bagay sa inyo. Go find yourself.
- Big deal, eh? - ito yung mga taong ginagawang BIG DEAL ang small issues. Like sa showbiz, nakipag-date lang naman ito kay ganyan, big deal na ba agad yun? Sus, hindi ka naman apekted sa ganun eh. Buti na lang kung political issue yan na tungkol sa pamumuhay natin, pwede ba yun. Eh, buhay yun ng celebrity eh.
- Wet shoes - ayokong nababasa yung sapatos ko. Especially, kapag nasa school ako. Magiging maputik ang daan. Yun lang yun. Ampangit naman tignan kung madumi yung hallway ng school.
- Disorganized Things - ampanget tignan kapag sabog-sabog ang mga gamit mo. Sana naman may time ka para ma-ayos yan. Simpleng gawain lang yan eh. Madali pang gawin. Saglit lang din naman. SIMPLE!
Wala na akong maisip eh. Basta i-cocontinue ko na lang sa mga susunod na blogs. Wait niyo na lang. Hihintayin ko lang kung saan pa ako ma-iirita. Oh yeah. :) Ansayang alalahanin ng mga bagay-bagay tungkol sayo. Para bang survey about yourself. Astigin. Hehe. Sige sige. Hanggang sa muli. Stay tuned. x]
No comments:
Post a Comment