Sunday, August 30, 2009

Next stop: Second Quarter

31st of August 2009
A Monday Evening

Last day na ng August. Next stop? September na! Wew, ambilis ng oras. Parang kahapon June lang, tapos bukas, Spetember na? Ano sunod? March?! Aba. Ibang klase na yun. Parang nasira ung time machine na sinaksayan ko. Bigla bigla na lang na nag-fafast forward. Pero, bakit ayaw mag-rewind? Nawawala ba ung pindutan nun? O sadyang sinira lang ng tadhana? Anyway, ang layo na topic ko sa topic natin ngayon? Ano start na...

3 days ago, August 28, 2009, ay ang aming Culminating Day para sa Buwan ng Wika. Syempre, may presentation sa umaga, tapos sa tanghali, ung kainan. Skip na natin ung presentation nung umaga. Hindi naman kami halos nanood eh. Ako, syempre, kailangan ko. Para sa Scribe eh. :)) Anyway, nang matapos ung presentation, diretso na kami ng classroom. Tanghali na kami nakakain dahil, antagal bago dumating ng Andoks namin. Puro, puto na lang kami at Iced Tea. At last, dumating na.

Nung August 27, 2009, birthday ng isa namin classmate. So, nung bumababa siya. Nag-plano kami na mag-bigay ng surprise party sa kanya. Kasabay na nung sa Culminatind Day sa Buwan ng Wika. Kaya wala na masyadong gastos pag dating nun. Handa lang naman namin sa kanya eh, isang cake galing Goldilocks. Nung kakain na kami, sinadya naming ibaba muna siya para i-handa ung cake. At nung pataas na sya, piniring namin siya at saba'y kumanta ng Happy Birthday habang siya'y natulala at medyo paiyak na. Teary-eyed na nga siya eh. Di niya yata expected yun. Except na lang nung piniringan namin siya.

So, magandang ang umpisa ng pagkain namin. Yung iba nga halos paiyak na rin. Syempre, naka-totouch naman. Ikaw ba naman? Bigyan ka naman ng isang surprise party? Di ka kaya maiyak or maluha? Pakipot! Anyways, andami yatang nainggit samin. Eh kasi, may mga ibang students na panay tingin samin. At naka-smile. Lalo na si "Kahel" or si "Bampira" or si "Edward". Basta. Sa may nakaaalam kung sino yung tinutukoy ko, sa inyo na lang. Wag niyo na ipagkalat. Except na lang kung gustong malaman. XD

Pagkatapos namin kumain. Naglaro na lang kami sa classroom at nag-picturan. Mukha na ngang Farewell Party eh. Hayy. Basta masaya ung party na yun. Natalo man kami sa Elimination Round. Nanalo naman kami sa pagkain!!

"Manalo, matalo. Cute parin kami." :P
~ A Representative from Second Year - Bonjour.
[ Aliart Jerboe S. Ocampo ]

Friday, August 28, 2009

Bacon and Cheese - Melt

Ito na naman ako at nag-bloblog.

Naalala niyo pa ba ung blog ko tungkol sa Mexican Food Trip? Well, nagkatotoo ung American Food Trip namin. Dahil kagabi, August 28, 2009 Friday, ay nagluto sila ng burgers. Di ko alama kung ano pumasok sa isip nila kung bakit sila bumili ng burger patties, giniling, at gulay sa SM. Pero, sabi sakin ni Kuya na, gusto daw niyang mag-burger kaya, instead na pumunta kami sa SM, ung SM ung pumunta samin.

Maliban sa burger, gumawa din kami ng Grahams. Yung Tiramisu. Layer after layer after layer after layer after layer. Yun ung ginawa namin. Nakatatakam na nga nung ginawa namin, what more kung nakain na namin? Siguro nagkakandarapa na kami sa sarap ng Grahams. Sa grahams at condensed milk ng Alaska eh, solve na. Haha. So, may pagkahalong Japanese *sort of*.

Bago kami gumawa ng burgers, syempre, nag-hapunan muna kami. Tapa ang ulam. Sabi samin na konti lang daw ung kainin namin para makakain pa kami ng burger mamaya. Pero ako, todo kain. Di ako nabubusog eh. *halos*. Bilis daw kasi ang metabolism ko kaya ganun ung mga nangyayari. Anyway, after eating, syempre, nagligpit muna sila ng mga gamit tska mag-gugulo muli. At ako, computer lang buong gabi. Intayin ko nalang ung burgers bago ako tumigil.

Ayun, nagkalat na naman sila. Ambango nung giniling habang niluluto sa kawale. Ingay din nung kutsilyo habang hinihiwa ung mga kamatis. Hayy, kagutom. Naalala ko tuloy. Gutom ulit ako. Haha. Pero ayos lang. Kakain na rin kami within 3 minutes. *yata* Di ako sure eh. Sensya na. Anyway, halos 30 - 60 minutes nilang ginawa ung mga burgers. Syempre, may halong nood ng TV, bantay sa paglalaro ng CABAL at FLYFF, at konting pahinga. Pero kung diniretso nila yun, within 20 minutes eh nakakain na kami.

Nang ma-serve na ung mga burgers. Wew, heaven!! Sarap nung burger! Palaman? Melted Cheese, at Bacon. Yung iba may gulay, kaso ako, ayoko eh. Kaya ayun, wala. Ung melted cheese is basically Cheese-Whiz. Hindi na kami nagtunaw ng keso para makakuha lang ng ganung consistency. Parang Jollibee ung ginawa namin. For the Tiramisu, unfortunately, hindi pa namin makakain kasi, ndi pa ganung katigas ung cake. *oo, mukha na siyang cake* Actually, cake nga talaga yun. *yata*

Ayun, kinaumagahan, gumawa na naman sila ng burger. Pero ngayon, simpleng burger na lang. Sakin, burger patty at buns na lang. Ayoko nung gulay eh. Tapos may coleslaw pa. Eh, wag na muna. Maduga nga ung iba diyan eh. Nag-dodobol-patty. Haha. Sana nagawa ko din na ganun ung ang akin para mas sulit. Naka-dalawa nga ako eh. Yehey!! Hehe. Pagkatapos yun, binuksan na nila ung Tiramisu. Wew. Ito na! This is it!! Woot! Grabe anlamig nung grahams. Pero, okay ah. Thumbs up siya para sakin. At ngayon meron pang natira. Siguro hanggang mamayang gabi pa yun. Basta wala lang muna na swapang diyan.

Ciao.
~ Jerboe. :)

Thursday, August 20, 2009

Fortune Kookie -- A Facebook App

21st of August 2009 -- A Friday Morning

Nakapag-blog na rin ako. :) Haha. Actually, ung content ng blog na ito. Eh, nangyari kahapon. Ngayon ko lang nagawa kasi, nag-lalaro pa ako ng Flyff kahapon at nag-FFB *facebook*. Kaya ngayon ko lang naisipang gumawa ulit. At may interesting topic na rin akong pwedeng malagay ito. Instead na ung mga *halos* walang kwentang blog entries ko. Kaya, sana ma-enjoy niyo naman itong blog na ito. Here it goes...

August 20, 2009 Thursday 4:00 - 5:00 p.m. After class, naglakad na kami ng mga kaibigan ko para ihatid ung isa naming kaibigan sa Greatwoods. Ewan ko ba kung bakit ako napasama dun. Ayy, oo nga pala. Gusto ko lang makita ung bahay niya. Hehe. Pero, nakita ko na yata yun before eh. Pero, ayos lang. Pwede na. Ayun, nilibre niya muna kami ng softdrinks. Pop Cola. (mmm) *nag-plurk pa?* Anyway, naglakad na kami. Malapit lang naman ung Greatwoods sa Harrell eh. Dumaan kami sa may simbahan. Yung Sto. Nino Parish Church sa tapat ng St. Jerome.

Here comes the good part. Naka-witness kami ng wedding dun. Patapos na rin nung makita namin yun. At habang naglalakad kami sa may gilid nun, sa may grassland, yung bakanteng lote dun sa kanan ng simbahan. Bigla ko na lang naalala ung FortuneKookie ko sa Facebook nung umaga ng araw na yun. Nakasaad: "You will witness a very special event." Something like that. At pumasok din sa isip ko ung wedding na nakita namin. So, na-conclude ko na totoo ung FortuneKookie na yun. Astig! Shinare ko agad sa mga kaibigan kong kasama.

Nang makauwi ako galing school, pinlurk ko na agad yun, at may nag-respond naman. Hehe. At yung araw na yun, andaming taong mahilig mag-share. Share ko lang. Pero, *going back to the point* paano naman nagkatotoo ung FortuneKookie ko? Coincedence or Chance? Ano ba ang tama? Pero, mukhang totoo eh. Nakalagay dun "special event" so, special event naman ung wedding na na-witness namin. It's not coincedence. It's CHANCE!

"Destiny is not a matter of chance, but a matter of choice."
-- 2nd Year - Bonjour S.Y. 09 - 10

P.S. ~
Try niyo na rin ung FortuneKookie sa Fb. Search niyo lang: "Fortune Kookie". Dapat ganyan ung spelling. At try niyo kung totoo nga ba yun or hindi. It's up to you to opinionate it. Bahala kayo kung totoo nga ba or hindi. Basta para sa'kin. Totoo yun!! Now I always trust Fortune Cookies no matter what. Pero, mas maniniwalaan ko ung FortuneKookie na app sa Fb.

:))

Saturday, August 15, 2009

Mexican Food Trip

Another blog by yourstruly. :) Actually, nung Friday ko pa dapat ginawa 'to. Kaso, gabi na nun. At inaantok na talaga ako nung maganap ung foodtrip sa bahay. Kaya, ngayon ko lang naalala ulit na may gagawin pala akong blog. At ito na yun.

August 14, 2009. A Friday. Nang makauwi ako galing school, walang tao sa bahay. Nakalock pa ung bahay. So, tinignan ko kung nandun sa tita ko ung susi. And, nandun! So, all alone ulit ako sa bahay. Walang asungot, walang istorbo! Yahoo! Makalipas ng madaming minuto, dumating na sila kuya na may bitbit na bag ng SM. "Panigurado nag-SM na naman sila", sabi ko sa sarili ko. And totoo nga. Tacos Night na naman mamaya! Hehe.

Habang naglalaro ako ng computer, tumawag ng pinsan ko saying, "Punta kayo dito, may spaghetti!" So, punta naman ako. Syempre nauna na ako. Sinabi ko na lang kayla kuya na sumunod na lang sila at may spaghetti dun. Ayun, tumakbo na ako. Pagkadating ko dun, madami pa pala. Kala ko kasi paubos na. Kaya tumakbo ako, pero, meron naman pala. Sayang naman ung force. Pero, ayos lang. Exercise din yun. Hehe. So, ayun. Kumuha na ako.

Naka-dalawang rounds ako ng spaghetti. Adik! Tumambay muna kami dun para ma-digest ung pagkain. At nung mag-7 na. Umuwi na kami. Kailangan pa pala kasi mag-saing. Naman naman. So, diretso computer ulit ako para ma-check ung Barn Buddy ko at ung Plurk ko. Andami ko agad na unreads dun. Halos 150+! Adik na mga tao. :))

Umuulan na ngayong oras na ito. Naamoy ko na naman ung simoy ng lupa. Lumalamig na naman. Buti naman na lumamig. Ang init kanina. Mga 12 noon to 2 ng tanghali. 40 degrees centigrade na yata nun eh. *hyperbole* Ngayon, nag-drop na siguro ng 30 degrees. Medyo lumalig na. *brrrrr*

Anyway, nang matapos kaming maghaponan, nag-ayos ayos muna ng mga gamit at nagkalat ulit. Naghanda na kasi sila kuya para sa inuman nila. Chibog: Tacos and Nachos. Mexican foodtrip na!! So, ako, syempre, nasa tapat lang ng computer at naghihintay para sa pagkain. Nang matapos, kanya-kanyang dampot na ng ingredients. Ako, cheese at giniling lang. Hehe. Tapos may side dish pang fishballs!! Wew! Busog na. :)) *burp*

Ngayon, sa kakaisip ng pagkain, gusto na ulit kumain ng ganun ulit. Next Friday, sana Italian naman. Pizza at pastas! Syempre, tutulong na ako sa paghanda. Favorites ko na ung gagawin eh. Or pwede ding, American. Hamburgers and Footlongs. Or pwede ring Filipino. Chicharon, balot, at sisig!! Andaming pagkain na pwedeng maihanda sa inuman nila kuya. Pwede mo ring idagdag ang deserts only. Or, ung recreational portion. Sa deserts only, ano pa ba kailangan kong i-explain. Puro deserts na lang! Sa recreational, dito na kami nag-eexperiment ng bagong pagkain. Naalala ko nung gumawa kami ng bite-sized empanada. Gawa sa molo wrapper at simpleng sisig yata or giniling.

Hayy. Nakagugutom na talaga. Ansarap kainin ng blog na 'to. :)

Bye for now.
-- Jerboe. �

Friday, August 14, 2009

Things To Do Before This School Year Ends

Ito na naman ako't walang magawa. Kaya naisipan na namang mag-blog habang kumakanta ng "Yoi Belong With Me" ni Taylor Swift. Here it goes.

Syempre, bago ako nag-start gumawa ng blog, iniisip ko muna kung ano ung content na ilalagay ko. Actually, kahit ano naman pwede kong ilagay. Basta may malagay ako. Kaya nga blog eh. Para san pa ung term na blog kung limited lang naman ung mga content na pwede mong ilagay? Mga tao naman talaga oh. Walang sense minsan. Mostly may sense. Pero nagiging non-sense na din ung topic na pinaguusapan. Anlayo na nung topic sa main topic. Parang computer tapos naging gunting. Huh? Ano daw?

Anyway, ano nga ba ung mga gagawin ko ngayon school year na ito, 2009 - 2010. Grabe. Magiging 2010 na. Magiging 16 na ako nun! Wew. Antanda ng mga tao sa mundo! Grabe. Change topic. Things to do. Ano nga ba? Madami eh. Pero, ito palang ung mga na-lista ko. Naisip kong gawin ito dahil, wala lang. Wala talaga akong magawa sa araw na ito. Ano ba ngayon? Friday right? Hehe. Nakalimutan ko na eh. Haha. :) So ito na:

  • Matapos yung mga kailangang gawin sa Sabayang Pagbigkas namin sa Buwan ng Wika. Bakit ba kasi ako ung naatasan? Pero okay lang. Dagdag points siguro yan;
  • Makasali *sana* sa mga Mind Challenges na mangyayari or mga Quiz Bee. Malapit na rin kasi ung Math and Science Month. Kaya siguro meron yan;
  • Makasali rin sa camping sa Scouting Month. Meron siguro yan ngayon. Yata;
  • Makasali na rin sa iba pang kaganapan sa November, December, January, February, at March;
  • Matapos na yung pagbabasa ko ng HP7, Kapitan Sino, at Diary of a Wimpy Kid. Oo, mabagal talaga ako magbasa. Busy ako eh. Di ko kayang mag-multi-tasking. Except na lang 'pag trip ko;
  • Paabutin ang karma ko sa 100 by the end of the year;
  • Mag-practice mag-gitara;
  • Matutong mag-piano;
  • Kung pwede rin ang drums, edi sige;
  • Maging Gold Medalist *yabang*;
  • Gawin nang mabuti ang pagiging Photojournalism Editor ng Scribe *isa pang mayabang*;
  • Mapanood ang 2012 with my friends sa November 14. Settled na yun;
  • Magkaroon ng isang magandang birthday. Kailangan memorable;
  • Ma-regaluhan ang mga close friends at inaanak, si CornBeef. HAHA;
  • Magkaroon na ng 1GB na RAM;
  • Pagandahin ang FS ng Bonjour;
  • Mapanood na rin ung iba ko pang gustong panuorin na movie; and
  • Magkaroon ng BEST year ever. :)
Well, ito na muna ung mga malalagay ko. Hanggang diyan lang ung kaya ng kapangyarihan ko eh. Gawa na lang me ng isa pang blog para sa kaduktong ng blog na ito. Siguro iba na rin ung title. Wa-poys 'pag may part 2 eh. Nakatatamad na. HAHA. Ewan! Basta yun na yun.

Ingats na lang people. :)
-- Jerboe �

Friday, August 7, 2009

April 8, 2009 -- A Visit to Philippine Daily Inquirer

Dapat nga kanina ko pa na-post 'to eh. Natamad lang mag-type. Kaya ngayon lang. Hehe. *share...

May journa na naman kami ngayong sabado. Maaga na naman gising ko. Journalists ung mga pinili as participants para sa "Read-Along Activity" ng Philippine Daily Inquirer. Maaga akong nagising muli para makapasok ng school. Mga 6:10 yata ako nakapunta ng school. Ang aga ko pala. 3 palang kaming second year dun. Kaya nag-kwentuhan na lang kami at soundtrip hanggang sa makaalis na kami. Nang naging kompleto na kami, sumakay na kami ng bus na nandun sa tapat ng St. Thomas and i don't know why.

Umalis na kami ng school mga 6:35 a.m. Soundtrip naman agad kami at food trip. Nasa pinakalikod ako nakaupo. Pero, okay lang. Masaya nman eh. Pinaglaruan ko pa nga yun eh. Para kasing kotse ung pwesto ko, kaya mukha tuloy akong driver. Kaso, natamad na ako. Kaya, inotopaylot ko na lang ung kotse ko. XD Matagal yung biyahe. Pero, sa sobrang saya naman dahil sa mga jokes at kantahan, di na namin namalayan na nandun na pala kami sa tapat ng Daily Inquirer.

Maaga pa pala. Alas-otso palang halos nun nung makarating kami. Expecting ko na mas late pa dun. At mga 9 pa daw mag-stastart yung program kaya napagisipan namin na mag-Chowkng muna. So, naglakad kami papuntang Chowking. Pero, sa McDo kami napadpad. Weird. Pero, ayos lang. Bumili na lang ako ng isang Hot Fudge Sundae at Regular FrenchFries, with a total of P50. Masarap naman eh. So, bumalik na kami ng bus. Pagdating namin dun, wala na ung elementary!! Nauna na sila sa loob. Kaya nagmadali kaming kumain sa bus kasi bawal ang pagkain sa loob. Di tuloy namin nalasap ung bawat moment na isusubo namin ung sundae. Anyway, naubos ko naman agad ung akin.

Pumasok na kami sa Daily Inquirer. At nag-start na ung program. To make the program short, merong readers dun na nagbasa, *syempre* ng story books about Great Asians. 4 ung nagbasa. Yung dalawa dun eh tandem. Yung una ay ung nanalo sa Superbods and Superbrains Century Tuna 2009. Grabe andaming nainlove sa babae, name: Theresa Fenger dahil sa sobrang ganda. HAHA! Sunod ung tandem naman ng reporters sa TV5. Sunod si Kuya Rich na ang galing mag-story tell. At ung huli ay ung apo ni Cory Aquino, si Kiko Aquino Dee. At ayun, madami pang kaming ginawa at nag-tour pa kami sa loob ng Philippine Daily Inquirer.

Pagkatapos ng tour, bumalik na kami sa bus para umuwi. Andami kong pictures na kinuha. Mula sa start ng prgram hanggang sa pag-akyat ng bus. Hehe. Kompleto syempre. Photojournalist eh. :) Anyway, soundtrip at foodtrip at joketrip na naman kami sa loob ng bus. Gustong gusto na namin mag-Starbucks nun. Fortunately, nag-stop over kami sa may McDo sa may *nakalimutan ko na*. At nakita kong may Starbucks! So, nag-yaya agad ako para may kasama ako. At ayun, nahumaling na naman kami sa amoy ng Starbucks at bumili ako ng Mocha Frappe Venti for P150. :) At energized na naman kami. Hyper na kami sa bus.

Sa huli, ay nag-joke trip kami. Mabenta ung mga jokes namin kaya antagal namin bago maka-get over sa joke ng isa. Adik din kami ung mga signs na nababasa namin on the way home. Adik din kasi makatawa ung iba kong ksama. Para wala nang bukas. Adik!! Pero, ansaya naman eh. Sulit kaya. Kesa naman nung first journalism conference namin sa Harrell worth 200 pesos. Eh yun, nakapag-fieldtrip-like adventure kami for P175!! Sulit na! Nakapag-Starbucks pa. XD

At ngayon, ay natapos ko na ung blog ko. :)
-- j'Boe. �

Pan Packs. :)

DO YOU KNOW ANY OF THESE? Fun facts...

1. Chewing on gum while cutting onions can help a Person from stop producing tears.

2. Until babies are six months old, they can breathe and swallow at the same time. Indeed convenient!

3. Offered a new pen to write with, 97% of all people will write their own name.

4. Male mosquitoes are vegetarians. Only females bite.

5. The average person's field of vision encompasses a 200-degree wide angle.

6. To find out if a watermelon is ripe, knock it, and if it sounds hollow Then it is ripe.

7. Canadians can send letters with personalized postage stamps showing their own photos on each stamp.

8. Babies' eyes do not produce tears until the baby is approximately six to eight weeks old.

9. It snowed in the Sahara Desert in February of 1979.

10. Plants watered with warm water grow larger and more quickly than plants watered with cold water.

11. Wearing headphones for just an hour will increase the bacteria in your ear by 700 times.

12. Grapes explode when you put them in the microwave.

13. Those stars and colours you see when you rub your eyes are called phosphenes.

14. Our eyes are always the same size from birth, but our nose and ears Never stop growing.

15. Everyone's tongue print is different, like fingerprints.

16. Contrary to popular belief, a swallowed chewing gum doesn't stay in the gut. It will pass through the system and be excreted.

17. At 40 Centigrade a person loses about 14. 4 calories per hour by Breathing.

18. There is a hotel in Sweden built entirely out of ice; it is rebuilt Every year.

19. Cats, camels and giraffes are the only animals in the world that walk
Rightfoot, right foot, left foot, left foot, rather than right foot,left Foot...

20. Onions help reduce cholesterol if eaten after a fatty meal.

21. The sound you hear when you crack your knuckles is actually the sound of nitrogen gas bubbles bursting.

22. In most watch advertisements the time displayed on the watch is 10:10 because then the arms frame the brand of the watch And make it look like it's smiling.

23. The color blue can have a calming affect on people.

24. Depending upon the shade, the brain may send up to 11 tranquilizing Chemicals to calm the body.

25. Leonardo DA Vinci could write with the one hand and draw with the other simultaneously. Now we know why his pictures were exquisite!!

26. Names of the three wise monkeys are: Mizaru (See no evil), Mikazaru(Hear no evil), and Mazaru (Speak no evil).

27. The only 2 animals that can see behind itself without turning it's head are the rabbit and parrot.

28. The only 15 letter word that can be spelled without repeating a letter is uncopyrightable.

29. Babies are born without knee caps. They don't appear until the child reaches 2-6 years of age.

30. The names of the continents all end with the same letter with which they start.

31. Electricity doesn't move through a wire but through a field around the wire.

32. All U.S. Presidents have worn glasses; some of them just didn't like to be seen wearing them in public.

33. No word in the English language rhymes with month, orange, silver, and purple.

34. Raw cashews are poisonous and must be roasted before.

Thanks to Candice. :) Na-repost ko ng wala sa oras. :P

Coke Sprinkler with Spaghetti

Isa pang blog na title ay pagkain pero ang content ay halos iba. HAHA!

August 7, 2009. Between 6:00 p.m. - 7:00 p.m:
Pumunta ako sa bahay ng pinsan ko. Nandun kasi ung ate at ung kapatid ko. Meron ding nilutong spaghetti ung pinsan ko. Ewan ko ba kung bakit sila nagluto nun. Though, wala naman sigurong occasion or anything. Pero, i think na meron. Hehe. English-an eh. :P

Ayun, nag-computer muna ako syempre. Can't live without it. :) Gamit ung mini-laptop, dahil maliit lang syempre, pinagtyagaan kong mag-barn buddy at plurk at the same time. Take note, wala pang mouse ung gamit ko. Mismong ung pad lang. Napagtyagaan talaga. Hehe. *Anyabang mo!* Anyway, nang matapos na maluto ung spaghetti, kumain na kami at nagsi-patayan na ng laptop.

Masarap naman ung nilutong pagkain ng pinsan ko. Pero, mas masarap parin ung samin! HAHA! Joke lang. :) Pare-parehas lang naman halos eh. Hehe. May special ingredients lang samin. Kaya ganun. Nga pala, alam niyo ba ung pamangkin ko eh, ayaw ng spaghetti? HAHA! Weird no? Saan ka nakakita ng batang ayaw ng spaghetti? Diba, lahat ng bata gusto ng spaghetti? Except na lang ung may medical conditions na allergic sila sa spaghetti, hotdog, tomato sauce, mushroom, giniling, paminta, asin, noodles, or kahit anong ingredient na nasa spaghetii. Pero, ung pamangkin ko, ayaw talaga. Ayaw niya ung lasa ng spaghetti. Lagi siyang sumusuka kapag nakakain nun. OC ung bata na yun pagdating sa lasa eh. Ayaw niya ng spaghetii, ayaw din niya ng gamot, gusto lang niya, PANSIT! Maka-pilipino talaga. Mga bata naman talaga ngayon!

Going back, nang matapos ako sa pagkakain ko ng spaghetti, pumunta ako sa may counter dun sa may kitchen nila para kumaha pa ng 2nd round ng spaghetti and coke. Habang hinihintay kong mabuksan ng ate ko ung coke. Bigla na lang naging sprinkler yung coke!! Nabasa tuloy ung plate ng pinsan ko, medyo sa plate ko, ung ref, ung upuan, ung sahig, ako, at ung ate ko. Syempre, sa sobrang gulat eh di na halos kami makagalaw. Biglaan kasi ung pangyayaring iyon. Unexpected kumbaga. Ayun. Ang lagkit namin. HAHA!

Medyo naumay ako ng konti kasi may coke sa plate ko, pero nilinis ko naman, tapos nilagyan ko pa ng spaghetti. Bali naka-2 rounds ako. Hehe. Sorry ah. Adik sa pastas eh. As well as, PIZZAS!! Maka-italian foods ako. :P Anyway, natapos ung pagkain ng spaghetti nung kasama ko ung kapatid ko na kunin ung walong yelo sa tindahan para dun sa handaan nila. Di ko alam kung may birthday or ung farewell party nila. Pero sure akong farewell party yata. Or pwede ring get-together. Kasi may bisita daw silang dadating. Hmm. Ano kaya?

So, ayun, gutom?
-- j'Boe. �

Wednesday, August 5, 2009

Banana-Q, Hamburger, at Footlong

Since you've read my previous blog entitled: "Lumalamig na Hamburger", I came up with my second chapter of the story. :) Hope y'all enjoy. Here it goes...

Again, pumunta ulit kami ng talipapa para bumili ng merienda. Actually, kakauwi ko lang nun nung naisipan nilang bumili ng merienda. Galing ako sa computer shop ng kapitbahay namin, which nun ko lang nalaman kung saan. Dun ako nagpapring ng mga pictures para sa visual aid namin sa biology. Reporters na kami bukas eh. Kaya ako na naman ung inatasan ng ganung trabaho.

So, papunta na kami. Nag-tricycle na kami. Forgot to mention, ito pala ung menu or order na kailangan naming bilin:

  • 2 Banana-Q sa mahabang baba-Guy
  • 1 orderng Hamburger sa MinuteBurger
  • at, 3 Footlong mula dun sa bangketa ng mga computershop, katapat ng Jetii.
Seems fair. Pero, sulit namin nung nakain namin. Anyway, bumababa kami sa may talipapa. So, nag-decide na kami kung ano ung uunahin namin. And in the end, nanalo ung Banana-Q. So, hinanap na namin ung tindero/tinderang mahaba ung baba. Yun kasi ung sabi samin. Kailangan daw dun sa mabahang baba kasi, sa kanya daw ung masarap. Ewan ko kung bakit dun. Iikot na sana kami nung makita ng kasama ko ung lalaki. Oo. Lalaki siya. Tindero! At mahaba nga ung baba. XD Gulat nga ako na totoo pala. So, bumili na kami.

Next stop, footlongs! Um-order na kami, pero, matagal. Kaya naglibot muna ako sa bangketa ng computer shop. Pumunta ulit ako sa computer shop ng kapitbahay namin at tinignan ko kung ano ung kalagayan ng mga ginagawa nila. So far, ayos lang. Tapos, pumunta naman ako sa isang computer shop na nandun ung mga lalaking teachers ng Harrell. 3 Elementary teacher tapos ung Biology teacher namin. Nag-dodota! Adeek. San ka makakakita ng teacher na nag-dodota nowadays?! Woot!

Nang matapos ung order namin, pumunta naman kami sa MinuteBurger. Andaming tao. Actually mga 3 lang ung nandun. Di pa kami kasali sa bilang na yun. Pero, madaming order ung pinagawa nila. Kaya, medyo natagalan kami. So, sa kakaintay, nagpabili ung kasama ko ng icecream. Nainip yata eh. So, bili naman ako. Bibili sana ako nung special cup Mango, tapos sa kanya ung small cup Strawberry. Unfortunately, puro small cups na lang ung natira. Kaya, naki-ride na ako sa Strawberry. Sa Dan Eric's ulit ako bumili eh. Masarap kasi. Tapos un ulit ung tindera dun. So, kilala na niya ako. Nakipag-kwentuhan pa bago ako umalis. Pero, saglit lang. Tinanong lang kung para kanino ung icecream. Hehe. Iba na talaga ung mundo ngayon.

Nang makabalik ako sa MinuteBurger, guess what? Hindi parin tapos. Kaya plus 10 minutes pa. Kala ko ba MinuteBurger. Pero, MinuteSSSBurger naman eh. Pero, okay na. Panalo na siya. (applause) Time Check nun: 5:15 na halos!!! Nakita ko ung orasan sa mamang nakaupo dun sa gawing-kanan na upuan sa MinuteBurger. Pasimple kong tinignan ung watch niya. Mukha kasing msungit kaya ndi ko na tinanong. Tinignan ko na lang. :D At last, natapos na rin ung mga burgers. Umorder pa pala para sa kapatid ko eh. Kulit kasi ng kapatid ko, ayaw magsalita kung ano ung papabili. Pero, gusto niyang sumama. Ayun, naginarte na naman as usual.

Mahigit isang oras kaming nandun sa Phase 3 or something. Madami nga akong nakitang Harrellians na pagala gala dun eh. As well as, teachers. Kita ko ung teacher sa Math, teacher sa Physics, teacher sa Biology, tapos nga ung 3 Elementary teachers. Hindi ka na halos makakakita ng mga teachers na pagala gala na lang tuwing Miyerkules.

Nakauwi kami. Saktong 5:15 ung nasa clock namin. Advance yata ung relo nung mama kanina. Weird. Change topic. Nung nasa talipapa pa kami, naisip ko na na meron na ulit akong bagong blog entry. At ito na yun.

Merienda for sale?
Ciao, j'Boe. �

Banana-Q, Hamburger, at Footlong

Since you've read my previous blog entitled: "Lumalamig na Hamburger", I came up with my second chapter of the story. :) Hope y'all enjoy. Here it goes...

Again, pumunta ulit kami ng talipapa para bumili ng merienda. Actually, kakauwi ko lang nun nung naisipan nilang bumili ng merienda. Galing ako sa computer shop ng kapitbahay namin, which nun ko lang nalaman kung saan. Dun ako nagpapring ng mga pictures para sa visual aid namin sa biology. Reporters na kami bukas eh. Kaya ako na naman ung inatasan ng ganung trabaho.

So, papunta na kami. Nag-tricycle na kami. Forgot to mention, ito pala ung menu or order na kailangan naming bilin:

  • 2 Banana-Q sa mahabang baba-Guy
  • 1 orderng Hamburger sa MinuteBurger
  • at, 3 Footlong mula dun sa bangketa ng mga computershop, katapat ng Jetii.
Seems fair. Pero, sulit namin nung nakain namin. Anyway, bumababa kami sa may talipapa. So, nag-decide na kami kung ano ung uunahin namin. And in the end, nanalo ung Banana-Q. So, hinanap na namin ung tindero/tinderang mahaba ung baba. Yun kasi ung sabi samin. Kailangan daw dun sa mabahang baba kasi, sa kanya daw ung masarap. Ewan ko kung bakit dun. Iikot na sana kami nung makita ng kasama ko ung lalaki. Oo. Lalaki siya. Tindero! At mahaba nga ung baba. XD Gulat nga ako na totoo pala. So, bumili na kami.

Next stop, footlongs! Um-order na kami, pero, matagal. Kaya naglibot muna ako sa bangketa ng computer shop. Pumunta ulit ako sa computer shop ng kapitbahay namin at tinignan ko kung ano ung kalagayan ng mga ginagawa nila. So far, ayos lang. Tapos, pumunta naman ako sa isang computer shop na nandun ung mga lalaking teachers ng Harrell. 3 Elementary teacher tapos ung Biology teacher namin. Nag-dodota! Adeek. San ka makakakita ng teacher na nag-dodota nowadays?! Woot!

Nang matapos ung order namin, pumunta naman kami sa MinuteBurger. Andaming tao. Actually mga 3 lang ung nandun. Di pa kami kasali sa bilang na yun. Pero, madaming order ung pinagawa nila. Kaya, medyo natagalan kami. So, sa kakaintay, nagpabili ung kasama ko ng icecream. Nainip yata eh. So, bili naman ako. Bibili sana ako nung special cup Mango, tapos sa kanya ung small cup Strawberry. Unfortunately, puro small cups na lang ung natira. Kaya, naki-ride na ako sa Strawberry. Sa Dan Eric's ulit ako bumili eh. Masarap kasi. Tapos un ulit ung tindera dun. So, kilala na niya ako. Nakipag-kwentuhan pa bago ako umalis. Pero, saglit lang. Tinanong lang kung para kanino ung icecream. Hehe. Iba na talaga ung mundo ngayon.

Nang makabalik ako sa MinuteBurger, guess what? Hindi parin tapos. Kaya plus 10 minutes pa. Kala ko ba MinuteBurger. Pero, MinuteSSSBurger naman eh. Pero, okay na. Panalo na siya. (applause) Time Check nun: 5:15 na halos!!! Nakita ko ung orasan sa mamang nakaupo dun sa gawing-kanan na upuan sa MinuteBurger. Pasimple kong tinignan ung watch niya. Mukha kasing msungit kaya ndi ko na tinanong. Tinignan ko na lang. :D At last, natapos na rin ung mga burgers. Umorder pa pala para sa kapatid ko eh. Kulit kasi ng kapatid ko, ayaw magsalita kung ano ung papabili. Pero, gusto niyang sumama. Ayun, naginarte na naman as usual.

Mahigit isang oras kaming nandun sa Phase 3 or something. Madami nga akong nakitang Harrellians na pagala gala dun eh. As well as, teachers. Kita ko ung teacher sa Math, teacher sa Physics, teacher sa Biology, tapos nga ung 3 Elementary teachers. Hindi ka na halos makakakita ng mga teachers na pagala gala na lang tuwing Miyerkules.

Nakauwi kami. Saktong 5:15 ung nasa clock namin. Advance yata ung relo nung mama kanina. Weird. Change topic. Nung nasa talipapa pa kami, naisip ko na na meron na ulit akong bagong blog entry. At ito na yun.

Merienda for sale?
Ciao, j'Boe. �

Tuesday, August 4, 2009

Remembering the Summer Days. :]

Napag-tripan lang na mag-blog. So, start!

Kulit 'no? Paranga kahapon lang ung summer vacation tapos ngayon, halos kalahati na ng school days. Bilis talaga ng panahon. Walang tigil na nangyayari. Hindi mo rin alam kung ano ang mga kalabasan kung gagawin mo ito o gagawin mo iyan. Pero, nasa iyo naman yan kung paano mo gagawin. Kung maayos mong ginawa, expect for a better tomorrow. Pero kung niloko at di mo naman sineryoso, naku! Sira ang kinabukasan mo.

Nang marinig ko ung Stay My Baby ni Miranda Cosgrove, naalala ko lahat ng mga pinag-gagawa ko nung summer. Naalala ko kung paano ang pag-gising at pag-tulog ko nun. Naalala ko rin kung sino ung mga lagi kong kausap tuwing nag-puplurk ako. Naalala ko rin kung ano ung mga pinapanood ko. Naalala ko rin ung mga blogs ko. Naalala ko rin ung mga text messages na na-send ko. Madami akong naalala. Mga alaalang hindi na halos nabura sa isipan ko, kaya't nandito'y para mapahiwatig sa mga tao.

Bakit ko pa kasi nilipat sa Channel 69 ung TV? Bakit ko ba binuksan ung Multiply ko at naisipang mag-basa ng mga blogs? Bakit ba sinearch ko ung Ned's Declassified School Survival Guide bigla-bigla? Bakit ba na-LSS parin ako sa Stay My Baby? Bakit ba naka-save parin ung mga messages ko nung summer sa cellphone ko? Bakit ba?! Bakit?!!

Madami akong na-realize simula nung matapos ung summer vacation ko. Na-realize ko na mainit parin. Di lang talaga na April at May lang maanit na panahon ngunit kasama na rin ang June hanngang September. Yata. Na-realize ko din na bawal na pala akong mag-computer pero pilit ko paring mag-laro kahit sinesermunan na ako ng tatay ko. Eh, paano namang di ako susunod? Eh, sayang naman ung pinaghirapan kong Karma Points! Diba? Mahirap naman talagang magpataas ng Karma sa Plurk ah. Sino kontra? Upakan na yan!

2 buwan na nasa bahay, marami na ring nangyari. Bakit ganun? Pero ngayon may pasok na. Halos every week or every month lang may special na nangyayari. Di katulad nung summer eh, halos everyday may special events na nagaganap kaya di naman masyadong boring kahit na boring parin kahit papaano.

August na ngayon. Buwan na ng wika. Naalala ko kung paano namin sinelebrate ung Buwan ng Wika namin nung first year ako. Feeling ko eh first year ako. Pero tuwing Math, feel ko second year dahil may mga squareroots, inequalities, transversal, intervals, parallel lines, skew, tranposition, functions, cos, tin, tan, log, ano pa? First week palang naman kaya wala pa halos nangyayari. Pagkatapos ng August eh Math and Science Month naman. Tapos, Scouting, Field Demo Practice, Family Day, New Year, Valentines, tapos, Graduation na. :(

Isang taon na magkasama eh, parang isang minuto lang. Kung aalalahanin ko lahat ng mga ginawa namin nung first year, kung babasahin ko ulit ung journal na ginawa, *ewan ko ba kung bakit meron ako nun*, kung titignan ko ung farewell video na ginawa ko, kung titignan ko ung mga pictures sa friendster ng I - Rousseau, eh, parang isang minuto o isang araw lang namin ginawa lahat ng mga yun eh. Pero, kung may time machine lang, at i-relive namin ung buhay first year, ganun ulit ung feeling.

Iba na talaga ang nagagawa ng panahon ngayon. Minsan nakapagpabago ng katauhan, minsan naman wala lang. Para bang isang anghel na nagpipigil ng isang conversation. Speaking of that, na-weweirdohan na ako dun. Lagi na lang nangyari sakin yun. Anyway, basta. Malaking factor sa buhay natin ang oras. Hindi tayo mabubuhay kung wala ito. Walang mangyayar sa'tin kung wala ang time. Kaya time is gold. Keep it and treasure it.

Doesn't make any sense, does it?
-- j'Boe. :D

Sunday, August 2, 2009

Lumalamig Na Hamburger

Blogging, late at night. Need to sleep!! At may pasok na pala bukas.

Kailangan ko nang magpa-develop ng pictures para sa output ko sa journalism. About ito sa Nutrition Month namin. If you already read my previous blog, i guess you'll already know why. Anyway, buti na lang at naisipan ni Ate Jo na pumuntang talipapa para bumili ng merienda. At ayun, sumabay na ako para sa pag-develop.

Medyo natagalan pa kami sa pag-alis kasi, nag-pupulbos pa siya at nag-tanggal pa kami ng mga damit sa sampayan. Tsaka, medyo na-stack up ung mundo ko dahil sa kakaisip kung ano pa ung mga requirements na kailangang gawin at ipasa bukas. At sa wakas, nakaalis na kami.

Nag-tricycle kami papunta dun at bumababa kami sa tapat ng buchi-an. Yun ung tusok-tusok or ung chicken neck sort of thing. At napag-isipan ko naman na mag-padevelop muna ako at balikan na lang after sa pag-bili ng merienda at nung dog food daw. Umutang pa siya sakin ng 100 para sa dog food at babayaran daw niya pag-uwi. Kaya, ayun, namigay naman ako.

Mahal magpa-develop sa KameraWorld. 7.25 per 3R. Eh samantalang sa pinag-piprintan ko lang na kasing ganda halos ung quality, eh, 4.00 lang. Mura. Sulit. Go! Dun na kami pumunta at nag-paprint. Bumili pa kami ng Don Eric's Icecream na katabi lang ng pinagprintan namin. At dumiretso na kami sa MinuteBurger para bumili ng merienda. Medyo natagalan din kami dun, kasi may bumibili pa nung makadating kami dun at medyo nag-deliberate pa kami kung ano ung i-oorder at kung magkano. Umutang pa ulit siya ng 100 sakin. Making it 200 in total.

Matapos na iluto/ihanda ung order namin, pumunta naman kami ulit sa pinag-printan namin para makita ung update or kalagayan ng mga pinaprint ko. At ayun, medyo natagalan na naman kami dun dahil sa printer ng may ari yata ng shop na yun. Nalilito yata siya or sadyang nagloloko lang ung printerng gamit niya. Kaya halos 30 - 60 minutes kaming naghintay dun. Nainip na kami at lumalamig na ung hamburger na binili namin. At sa wakas, natapos na! Sabay bayad ng 100 sa cashier at bumili ulit ng icecream para merienda pa. :)

Pagkatapos na bumili ng icecream, bili naman kami ng dog food sa talipapa. At ayun, diretsong tricycle at umuwi na. Sa bahay, kala nila Daddy na pumunta na kaming McDo. Bakit? Birthday kasi ng kapitbahay namin. Eh inimbita lang eh ung kapatid ko. Kaya ndi na kami sumama. At ayun, theorem lang naman nila yun. :P Napagod kami sa kakaintay sa pictures ko. Dun lang naman kami natagalan eh. Wala ng iba.

Na-kwenta pa nga ung nangyari kaninang hapon. :D

Saturday, August 1, 2009

An Ordinary Day

Pa-blog blog lang dahil walang magawa.

Amp amp. Dang-boring ngayong araw. Since kaninang umaga pa. Nakaaantok naman 'tong araw na ito. Up to now, antok parin ako. Wala naman akong magawa kundi kumain, manood ng tv, at mag-net. Daily routine na naman. Nga pala, redunduncy ba yung daily routine? Maitanong nga sa mga english teacher sa school.

Now Playing: Sugar. :) Grabe ang LSS ko diyan. Since na nung marinig ko yung kantang yan, di na nawala sa isip ko ung linyang, "Da double dee double da..." "My lips like sugar..." "I'm sweet like..." Yan. Para bang Nobody. Pero, mas naka-LSS parin ung Nobody. Wala paring makatalo. Haha. Usapang LSS na. :P

Speaking of songs, kulit ng mga taong kumakanta ngayon sa bahay ng pinsan ko. Naka-laptop nga pala ako ngayon. Medyo nahihirapan kasi sa pad lang ung gamit ko as mouse. Hirap mag-shift from one site to another. Anyways, sa mga makukulit na kukanta sa labas, baka mabato pa kayo ng kamatis diyan. Pero, pwede ah, mabenta kayo sa pamilya namin. Tuwang-tuwa lahat. HAHA! XD

Now playing: You Belong With Me. :)) Isa pang magandang kanta ni Taylor Swift. Nakapasok na ito sa Daily Top Ten kaya na-DL ko na agad. DL = Download. Sa mga ndi nakaaalam ng DL yun. :P Hehe. "You belong with me. heeee."

Mukha na tuloy Plurk itong blog na ito. Puro, status na eh. Adeek na si Jerboe ulit! Haha. High na naman. Ndi naman nakainom ng kape. Speaking of, gusto ko na naman ng Coffee Crumble. Forgot to mention, yan na ung pinaka-favorite kong flavor ng icecream ko. :) Sarap kaya. Adeek na ako sa kape eh. Mocha Frappe!!!

Umulan ngayong araw. Di tuloy natuloy ung swimming sana namin sa EcoFarm something. I know, but it's a resort kind of EcoGetAway sort of thing. Maganda naman ung resort kahit papano. Pero, dahil sa bagyo, ayun. Di tuloy kami natuloy ngayong araw. Actually dapat nga kahapon pa kami nandun. Eh kaso, ung pinsan ko nasa hospital dahil sa kanyang entertainment samin nung nag-skateboard siya at bigla na lang siyang nawala. Para bang bulang pinutok ng isang batang tawa ng tawa or pwede ring isang taong nahulog sa isang manhole habang hinahabol niya ung holdaper na kumuha ng wallet niya. HAHA! Di talaga ako maka-get over sa ginawa ng pinsan ko. XD

Speaking of di maka-get over's, merong sinabe ung tito ko: "Zipalak". Know what's that? Yun ung mga plastic bags na pwedeng ma-lock. Actually, yung correct pronunciation is, "Zip-a-lak/lock". Eh, nagmamadali yata kasi may national assembly pa sa Malakanyang with Madame President about sa forest preserve treaty sa Sabah. Eh ayun, sinabe na lang niya na zipalak. New word sa vocab. ko. :P Okay. May natutunan na naman akong ituturo ko sa inyo, readers. XD

Another get-over, eh ung pinsan ko namang isa. Don't be confused with my other pinsan who fell out from the skateboard. Pero ito naman eh, sa sobrang pagmamadali eh, isa na siyang laughing stock sa bahay ng pinsan kong nahulog sa skateboard. Siya naman si pinsang nagmamadali kaya wala na siyang time para kausapin kami. Here's the story. Nag-order ung pinsan ko ng dalawang large yellow cab pizzas. Eh umuwi muna si pinsang nagmamadali sa kanilang bahay para maligo, kaya nagmadali siya para may maabutan naman siya. Kaya ayun, sabi ni pinsang nahulog, "Ang puti ng mukha mo." Sabi naman ni pinsang nagmamadali, "Naputi talaga ung mukha ko." Wala nang tigilan yan ah. Basta. I-gets niyo na lang. :D

Now playing: How Do You Sleep. :)) No comment.

Ciao, Guys.