Lagi kong nakakalimutang hiramin sa pinsan ko ung gitara. Haha. Ulyanin na yata ako. Gustong gusto ko pa namang mag-gitara. Now i know 'cos my friends inspire me to make-gitara. Especially ung mga tambay-erz. Hehe. Won't forget you guys. XD
Anyway, I already memorize the chords of the following songs:
LOVE STORY -- [ taylor swift ]
MOMENT OF TRUTH -- [ fm static ]
and counting...
Problem is, nalilito ako sa strumming at shifting ng chords. Bigla-bigla akong nawawala. Amp. XD. Pero, what's to lose? Sayang naman kung ndi ko pagpapatuloy ito. Lalo na't determinado na ako matututo. Atat pa nga eh. Hehe. Ayun. Ma-oovercome ko din yang problema kong yan. Sabi nga nila,
"Lahat ng problema may solution, pero 'pag walang solution, 'wag ng problemahin."
Gets niyo naman dba? It's from Ang Tanging Ina Niyo Lahat. Wow. Promoter ba? Joke. Ayun. Ma-oovercome ko rin yan one of these days in summer. Haha. Sa summer ah. Mahirap na kasi 'pag may school na naman. Mahirap ng i-balance ang ganyan. Pero, try kong kayanin. Well, nakaya ko ngang mag-multi-task ngaun. What more sa school? Haha. After all, wala lang. Hehe. Wala ako malagay eh.
Basta, lagi ko lang talaga nakakalimutang hiramin ung gitara ng pinsan ko. XD. Lagi nga akong tinatanong kung nahiram ko na ung guitar. Sabi ko naman, "Ayy, oo nga pala. :))" Ulyanin dba? Haha. Paalala niyo nga sakin. Pero, ito pa. Kapag nandun na ako, nakakalimutan ko naman hiramin sa kanila dahil napapakwento ako. Tapos minsan, wala ung may-ari. Amp. XD. May short-term memory lose.
Recall Dory from Finding Nemo. Nag-mumukha siyang ewan 'pag nangyayari un. Pero nakakatuwa naman ung acting and script nya. Agree? Parang ako lang un. Laging nakakalimutan ang mga bagay-bagay almost instantly. Oh dba. Kinuha ko lang ung script niya. Alam ko nga ung mga scripts nila eh, almost. Tuwang-tuwa ung mga kapatid ko 'pag sinasabayan ko ung mga characters. Lalo na ung Monsters' Inc. at ung Finding Nemo, na almost 100+ ko ng napapanood. Haha. Adik lang. :DD.
Dito ko na tatapusin ung blog ko. May moral lesson ba ung sinabe ko? Meron ba? Kung meron. Mag-comment lang kayo dito para malamang ko rin. Nakakatamad na kasi mag-isip lalo na't galit na galit na si Ate kasi buong mag-hapon na ako nag-cocomputer. Adik eh. Plurk lang ng plurk. Blog lang ng blog. Comment lang ng comment. Soundtrip lang ng soundtrip. ADIK! XD
Memories will be erase as you read this message. :))
-- oh.three.kid
No comments:
Post a Comment