because of the past swimming encounter...
Yahoo! Nagkaroon na ako ng kasipagan para mag-type ulit ng isang blog. :DD
Ayon, nakapag-swimming na rin kahit papano ngayong tag-araw. Hayy salamat. Haha. Medyo lumamig na rin. Sarap pala ng feeling na nakababad sa tubig ng ilang oras. Haha. Refreshing. Di naman gaanong malaki ung swimming pool. Pero, malinis naman siya. Except na lang nung pauwi na kami. At ayon, public siya. Pero walang nakakapunta dun sa dulo. Hindi naman sa malalim yun eh, ung malalim nasa gitna. Abot ko naman. Sila ndi. :P. Joke. Hehe. Anyway, public nga siya. Pero konti lang naman ung tao. Hehe. Puro, as usual, swimming, picture-an, at kain lang naman kami dun. Medyo may kwento-kwento para ndi boring. Hehe.
Picture? May camera nga silang dala na galing SM. Actually, libre lang yun dahil sa binili nilang kung ano man yun. Hehe. A waterproof disposable camera. Galing naman. De-film ung camera nga lang. Walang kwenta naman ung camerang yun eh. Dahil nabasa ng kapatid ko. Sayang naman. Konti lang naman ung shots namen dun. Pero, ok lang. Libre lang naman yun eh. Haha. Binuksan niya kasi ung cover nung camera at ayun. Nabasa nung mahawakan. Wala ng camera!
Sarap mag-swimming no? Refreshing talaga. Mag-pipinsan kaming sumama eh. Hehe. Outing ba? Pde na. Haha. Panget lang naman dun sa pool eh, ang tapang ng chlorine. Sakit sa ilong. Sakit pa sa mata. Haha. Wala pa sila dalang goggles. Floating na lang halos ung ginawa ko. Wala magawa eh. 6pm - 1am ang time namin dun. So, mga 7 hours lang kami dun. Pero sulit naman. Nag-laro nga kami ng hanapan ng limang piso sa ilalim ng tubig eh. Ako ung huling nakakita bago umalis dun.
Uuwi na pala kami. Di ko namalayan ung oras. Ambilis naman. Haha. Pero may nangyari pa bago kami nakaalis. Naputol ung susi ng kotse. Ayon, di tuloy kami makaalis. Only hope na lang namin ay mapapunta ung daddy ng isa pa naming pinsan para masundo kami. Hehe. In the meantime, nag-picture-an na lang kami para may memories na dadalhin, at ndi ma-bored along the way. Ayun. Iniwan na lang naman ung kotse dun sa place. Kukunin na lang kinabukasan.
Muntikan na kaming di makauwi. :))
-- oh.three.kid
No comments:
Post a Comment