Thursday, April 2, 2009

April 3, 2009 -- one hot summer morning. :DD

Blog Entry
3rd of April 2009


Anhirap bumangon sa isang mainit na araw. Parang gusto mo lang matulog hanggang lumamig. Parang gusto mo managinip na nasa malamig kang lugar. Parang ewan lang eh. Pero, ano magagawa niyo, eh, nagising ka na nga, hindi ka na ulit makatulog. Sayang naman. Maingay kasi sa labas. Parang may party o ewan. Hay, ang init talaga 'pag summer. Bakit kaya? Kung pwede namang malamig sa summer tapos mainit sa winter. Diba? XD

Bakit pa naimbento ung aircon kung hindi naman gagamitin? Yan ang storya ng araw ko ngayong araw. Nagising ako, pero ung katawan ko, ayaw pa. Yung kaluluwa ko, gising na gising na. Mahirap kontrolin. Tapos, ayun nga, yung aircon namin, ayaw gamitin. Mga 2-3 hours lang ung gamit. Wa-epek. Badtrip. Humingi pa ng aircon, hindi naman gagamitin. Sayang naman diba? Pero nung last summer, halos everyday gamit namin. Umuulan man o umaraw. Gamit paren namin. Hay, ang init!!

Pero sabi nga daw nila, nagtitipid na sila sa gastusin sa koryentz. Hay, badtrip naman talaga. Ganda-ganda ng araw, sisirain lang. *joke*. Haha. XD

Bakit pa kasi may global warming? Kung wala naman yun, siguro mas malamig ung summer ngaun. Kumpara sa may G.W. -- [ global warming ]. Pero ndi na mawawala yan eh. Tulad nga ng sabi ko sa isa kong blog, maraming tao ang t*anga. Pero kung wala naman, siguro alam nila kung panu i-dispose ang garbages, mag-recycle, at iba pa. Masakit man isipin na tayo naman talaga ang may kagagawan nito. Pero, late na ang lahat. Pero, meron paring solution sa problema ng mundo.

Financial Crisis. Teka. Bakit napunta ung usapan dito? Epal naman. XD

Ayun. One small step can make a BIG difference. Kaya, kung mag-rerecycle ang lahat ng tao, pasabugin lahat ng factory-ing nag-eemit ng CFC, *joke lang*, mag-tapon sa tamang lugar, at mag-tanim ng maraming puno, sasaya't gaganda din ang buhay ng tao sa mundo. Para san pa ung Earth Day kung iilang tao lang naman ung nanonood at nag-paparticipate sa ganun. Para san pa ung mga ginagawang "OPLAN Kalikasan" ng gobyerno kung isang beses lang naman nila ginagawa. Para san pa ung mga world environmentalists kung ung ration naman ay 1:100 wherein, 1 ung environmentalist tapos 100 ung mga matitigas na ulo. Sayang talaga.

It's time to make a change. :))

-- oh.three.kid

No comments:

Post a Comment