Saturday, June 27, 2009

Biology Research Paper -- due: September 2009

Pa-blog blog lang. :)

Ayun, may research paper kami sa Biology namin. Sinabi samin ni sir yun nung Friday between 1:00 - 3:00 p.m. Yes. Alam rin pati ung time. HAHA! Anyways, basta daw tungkol sa living organisms ung topic na nakaka-affect with other organisms or the environment. Meron sinuggest si sir na pwede ung topic ay tungkol sa isang medical plant that can heal other plants. I-reresearch yun. Take note: INDIVIDUAL kami. Pero, sa ibang sections, GROUP! Unfair no? Pantay pantay lang naman kami eh. Estudyante parin naman kami. Connect?

Kahapon at ngayong araw, nag-hanap na ako kung ano ung topic ko. Nag-iisip isip na ako kung ano ung magandang topic for my research. Nag-consult din ako sa second years noon kasi, nagawa rin nila yun. Una kong naisip is kung bakit nagsasarado ung mga gumamela around 5:15 p.m. Pero, bakit naman yun? Parang alam naman natin kunf bakit diba? And then, nag-search naman ako sa internet kung ano pwede. Nag-hanap ako ng mga suggestions sa net. Pero, mga imposible naman eh. Mga kailangan ng high-tech materials para ma-experimentan yun. And then, ewan ko kung paano ako napunta sa topic na yun; PLANT PERCEPTION. Ewan ko talaga kung pano ako nakapunta sa wikipedia.org at ayun ung article niya. Pero sabi ko, "Pwede ah. Interestin siya." And I read the whole topic.

Ipapa-approve ko na lang kay sir yun. Tapos ngayong araw tumawag ung classmate ko sakin para makausapan namin tungkol sa biology research. At ayun, nag-sharing kami. Pagbaba niya ng telepono, nakapag-isipan ko kung totoo nga ba yun. Tsaka kung paano ko i-eexperiment yun. So, nag-hanap ako ng alternative para dun and naalala ko ung dream nung dati naming teacher sa science na binagsak ako. *Well, di naman sadyang binagsak. Magulo lang siya mag-turo* Dream niya kasi na makapag-invent siya ng basteria na makakapag-decompose ng plastic. So, i search on plastics and i saw the article entitled: "Biodegradable Plastics". At ayun na ung alternative ko.

2nd year na 2nd year, may thesis-like project na kami.

Ciao,
Jerboe. :))

No comments:

Post a Comment