Wednesday, February 3, 2010

RETREAT.

February 3 - 4, 2010, Wednesday and Thursday :)
RETREAT DAY.

Ngayon na lang ulit nakapag-blog. Busy ako sa Tumblr ko eh. :) Sorry na. Ayun, follow niyo ako dun. But if you still want to read my blogs here at Multiply, bahala kayo. :)

First Day. Parang normal day lang ang pagpasok namin. Kailangan pa namin mag-flag ceremony bago pumunta sa Activity Hall (Grade One Building lang yan). Ayun, after nun, nagbayad na kami then pinapasok na kami sa building. Nagbigay na sila ng reminders and such. At nagkompis ng cellphones. Actually, itatago lang naman yung cellphone para makinig talaga ang mga students. Yun.

Kala ko corny yung retreat. Pero, sa mga gitna ng retreat, naging masaya at exciting ang bawat kwento at moral lessons nito. May mga palaro para magising kami. Merong mga kanta. Merong mga gestures. Merong mga nakakaiyak moments. Merong yakapan moments. Merong sorry sorry moments. Merong mga confessions. Meron lahat.

9am to 9pm kami dun. Ang lunch ko, pinadala. Yung dinner namin, bumili lang diyan. Maganda ang naging dinner ko. Candle light with friends. Kumain pa kami ng carbonara. HAHA. Saya naman nun. Can't forget. :))

Second Day. Masaya din lalo 'to. Ito yung pinakanakakaiyak na part kasi, about sa forgiveness, love of parents, at love of Christ ang mga topic. Syempre, madaming nakakarelate dito. Madaming naiyak na hindi mapigilan. Madaming nagyakapan na parang wala ng bukas. Hayy. Saya. :) Dito din namin sinunog yung mga kasalanan namin that we confessed yesterday na nasa papel. *Actually, di pala namin sinunog kasi nilagay lang namin sa jar na pinunit.

Hindi ko lang malagay ang lahat ng nangyari dito kasi madami talaga. Tinatamad na akong mag-type. :) Pero kung meron akong time para mag-edit ng blogs, sige. Lalagay ko.

- J'Boe Ocampo 2010

Friday, January 29, 2010

Lapit na.

January 30, 2010.

Ngayon na lang ulit ako nakapag-blog dito sa Multiply. Nakakalimutan ko na ito pati na rin yung Friendster. Lagi na lang Facebook at Tumblr. :) Pero don't worry. Sila parin ang first accounts ko.
Naks.

Anyways. Malapit na. Malapit na ang pinakanakakatakot na test sa history ng tests! Ang CGAT! Comprehensive General Achievement Test! Wew. 2 weeks na pagrereview ng past lessons. Walang katapusang assignments at quizzes. Waaah!

Supershare. :))


Wednesday, January 20, 2010

Sick of Roleplays.

From Tumblr.com

January 21, 2010 - Roleplays

The day of roleplays.

Grabe. Andaming roleplays na gagawin sa school. Amf. Ako pa scriptwriter. Waaah. Sa Social Studies, Filipino, at English. Tapos may biglaan pa sa TLE. Fortunately, tapos na yung sa TLE. Advertising lang naman. Wew.

Buti na lang. Wag ka. Buti na lang Sportsfest bukas. Madami pa akong time para gumawa ng script namin. Iba't - ibang grupo pa naman 'yan. HAHA! Ayun.

THANK YOU SA NAGPA-SPORTSFEST BUKAS!

:)

--- **

Reality.

Oo. Andami nga naming roleplays na gagawin ngayon. Hindi na ako maka-think straight. Minsan napagkakamalan ko yung grupo ko sa S.S. yung grupo ko sa Filipino. Waaah! Gulo na uii!

Social Studies: Roleplay ng isang Japanese Family. Asian Families na kami and ika nga, "It's a great topic." Kasi, andaming nakaka-relate pagdating sa family. Sayang at hindi namin nakuha yung Filipino Family. Okaay na yan. :)

Filipino: Roleplay ng isang welga. Continuation na lang nung nagawa namin nung una. Yung Court Session. :) Shareful ko naman ngayon. Hayy.

English: Actually, tapos na pala kami dyan. Kanina lang namin na-present. Pero, ngayon ko lang din na-finalize yung script namin para sa Radio-Play namin ng The Last Hours of Jose Abad Santos. Lagyan mo lang ng kwela. Taas na grade. :) Yan ang trick. Not suitable for very very very serious teachers.

YOKO NA NG ROLEPLAYS! though i enjoy them. :P

All Rights Reserved 2010

Saturday, January 9, 2010

Tumblr.com ;)

Trying Tumblr.com :)

New site. New posts. Check it out for more of my blogs.

Out.>>

Friday, January 1, 2010

Two. Zero. One. Zero: 2010!

January 1, 2010
A new year. A new beginning. A whole new start.

Suppposedly, kanina ko pa na-post 'tong achieve na 'to. Ang kaso, tinatamad pa ako. At medyo pagod pa yung katawan ko para mag-type ng mag-type. Ngayon lang ako nakapagpahinga ng husto. So, here it goes...

--- **

December 31, 2009
A day before...

Alas otso na ako nagising nung araw na 'to. Medyo antok pa. Pero, computer agad yung hinanap. Online sa Facebook. Update sa Plurk. Hindi binuksan ang Friendster. (sorry friendster v^_^) Nagisip na gumawa ulit ng blog sa Multiply. Nag-almusal. After nun, nanood naman ako ng TV.

Nung mag-gabi, umingay na sa labas ng bahay. BOOM! BANG! SWOOSH! Nag-start na kaming mag-handa para sa media noche namin. Ako? Nanood ako ng Da Vinci Code sa AXN. Bahala muna sila dun. Sa noodles lang naman ako at dessert. Yung dessert naman eh, tapos ko na a day before. Kaya no need to worry.

Alas onse ng gabi na. Nag-start na akong magluto nung elbow. Saglit lang yun. Tick-Tack-Tick-Tack. TING! Tapos na. :)

Inassemble na nila yung mga pagkain sa mesa. Nandun na ako sa labas ng bahay. Specifically, sa taas ng diding sa bahay ng pinsan ko. Maganda na yung view naman from there. Sa compound namin, konti lang ang paputok. Nanood na lang kami. Playing safe? Ang ganda nga ng mga fireworks nung mga kapitbahay namin. Ang liwanag. Ang colorful. Astigin!

Syempre after nun, eating time :) Handa namin: Mac&Cheese, Beef Tenderloin, Hash Brown with Cream of Mushroom Sauce, and for dessert, Grahams (Tiramisu Style)

YUM! *burp!*

Busog ako. Solb! Grabe. Itong year na 'to ang pinakatahimik na New Year but it was the brightest :) Di katulad nung mga past years, puro pangingay lang yung mga paputok sa labas. Ngayon, puro fountain, fireworks, et cetera. 2010 na :)) WOOT!

---**

Back to January 1, 2010

Grabe. Di pa ako sanay sa pag-type ng 2010. 2009 parin yung na-tytype ko. Need to be used in typing 2010 instead of 2009. Woot. Hirap pa. But sooner or later, sanay na mee :) Kailangan ko din masanay sa pag-sulat ng 2010 instead ng 2009 sa school. Like every year, nasusulat ko parin yung previous year rather than the current year. Waah!! NEEDED! :)

*END OF BLOGGING...

Tune in next time for another segment by yours truly :)

JEBB ~ (C) 2010

Sunday, December 27, 2009

4 days to go :)

December 28, 2009 Monday

Currently: Bored. WALANG MAGAWA!

So, 4 days na lang at 2010 na. Wew. Ambilis talaga ng panahon. Hindi mo na napapansin ang oras kapag may ginagawa ka. Lalo na't kapag masaya, memorable. Talagang hindi mo na mamalayan kapag maganda na yung mga happenings sa isang moment ng buhay mo. Sinadyang hindi na titigil ang oras. Kung hindi man lang tumigil, ayaw namang bagalan. Hayy. Ang oras naman talaga.

As of this moment, bored na ako. Kaya ang bagal nga ng oras ko. Ayaw namang bilisan para may pasok na at hindi na ako ma-bobored. Eh, pano? Wala talaga. Wala parin akong magawa. Talagang babagalan at babagalan pa ito para maasar ka at mawalan na ng bait. Pang-asar din minsan yan eh. Naku naman.

Waaah! May tae! Hoy. Padakot naman, oh? Waaah! Anlaki! Dali! Baka maapakan pa eh. Bilisan mo na kasi! Ambagal bagal naman nito.

Bagal lang!

Edi bagal lang. Sus.

So, may tae ngayon sa tabi ng pintuan namin. Grabe naman yung mga aso dito. Tatae na lang sa entrance pa. Pwede namang sa CR. Sosyal na aso. :) Trained! Yan dapat.

Wew. Nangangamoy na. Ayaw parin dakutin. Buti na lang wala pang napasok na tao. Woot!

Next topic. Wala maisip eh. Sige. Tsaka na lang ulit. Wala na akong maisip eh. Kung may naiisip ka, comment ka lang sa baba :)

Ciao!

Friday, December 25, 2009

wala maisip na title sa BLOG !

December 26, 2009 Saturday
Saturday at last! :)

Di ko talaga alam kung anong pwedeng title para sa blog na ito. Madami kasi akong naiisip na pwedeng malagay dito. Kaya, pwedeng "Assortedness" ang title or "Diversity". One word lang naman ang kailangan ko pero mukhang ewan kung yun yung title ko. Mas "attractive" baga yung title na yan kaysa sa mga naisip na iba.

Moving on. Christmas has just passed. Tapos na. Tapos na ang bigayan ng gifts. Or is it? Still waiting for gifts to be received by yours truly :) Ano? Meron pa nga ba? Ayun. Madami pang natirang pagkain noong Noche Buena. Handa namin: Fettuccine Alfredo, Gardenia with Palaman, Chocolate Mousse courtesy of Red Ribbon, and 1.5 Coke. Yum Yum! De-microwave na lang sa umaga. Tapos meron pang natirang sauce nung alfredo at spaghetti noodles noong gumawa ng sopas. Wew. One to sawa?

Gifts. Mga na-receive ko this Christmas. Here's a list:
  1. Green T-shirt with a Hood - Janine (exchange gift)
  2. Armando Caruso Handkerchiefs (2) - Mari and Dayana (gift lang)
  3. Maliit na Bear - Allyzza (gift lang den)
  4. Carrot na Keychain - Eloisa (baby gift)
  5. Pabango - Abby (gift lang ulit)
  6. Daily Scent - Danielle (gift)
  7. T-shirts (2) - Enriquez Family (tita's and cousin's gift)
  8. T-shirt with a shoutout - Ate Joann (gift gift)
  9. T-shirt na Brown - Ate ko (may sweldo kasi)
  10. Green Belt - Tito Epie (either-or na gifts, choice ko: belt instead ng tsinelas)
  11. Black Shorts - Ate Aiza (gift lang)
  12. Di ko alam yung tawag dun, basta parang sleeveless na jacket with a hood (gray) - Kuya ko (400 ko ha?)
  13. Php 1,250.00 - Ninongs and Ninangs (weee!!)
  14. Still Waiting - from anyone :))
Woot! Andami kong gifts! Pwede na yan. Mostly damit. :) It's the THOUGHT that counts. Right?

Plano. Bibili ng SpeedStacks :) Wew yung presyo. P799.75! Yung baso lang at yung bag yun. What more kung may mat at timer pa? Woot. Pero okay lang yun. Masaya naman ako eh. Best time ko ng cycle stack: 20.54 seconds :) Improving! Need practice. Practice makes Perfect.

Sharing time. Grabe. Pinoy na naman ang Champion sa SpeedStacking. Grabe. Pinoy! Aim High! Galing galing :)) Wala lang. Na-share lang. Bilis niya eh.

Ayun. Wala ng malagay. As usual. Dito na magtatapos ang blog ko. :) Comment naman diyan.

Give LOVE on Christmas Day :)

JEBB ~ 2009