February 3 - 4, 2010, Wednesday and Thursday :)
RETREAT DAY.
Ngayon na lang ulit nakapag-blog. Busy ako sa Tumblr ko eh. :) Sorry na. Ayun, follow niyo ako dun. But if you still want to read my blogs here at Multiply, bahala kayo. :)
First Day. Parang normal day lang ang pagpasok namin. Kailangan pa namin mag-flag ceremony bago pumunta sa Activity Hall (Grade One Building lang yan). Ayun, after nun, nagbayad na kami then pinapasok na kami sa building. Nagbigay na sila ng reminders and such. At nagkompis ng cellphones. Actually, itatago lang naman yung cellphone para makinig talaga ang mga students. Yun.
Kala ko corny yung retreat. Pero, sa mga gitna ng retreat, naging masaya at exciting ang bawat kwento at moral lessons nito. May mga palaro para magising kami. Merong mga kanta. Merong mga gestures. Merong mga nakakaiyak moments. Merong yakapan moments. Merong sorry sorry moments. Merong mga confessions. Meron lahat.
9am to 9pm kami dun. Ang lunch ko, pinadala. Yung dinner namin, bumili lang diyan. Maganda ang naging dinner ko. Candle light with friends. Kumain pa kami ng carbonara. HAHA. Saya naman nun. Can't forget. :))
Second Day. Masaya din lalo 'to. Ito yung pinakanakakaiyak na part kasi, about sa forgiveness, love of parents, at love of Christ ang mga topic. Syempre, madaming nakakarelate dito. Madaming naiyak na hindi mapigilan. Madaming nagyakapan na parang wala ng bukas. Hayy. Saya. :) Dito din namin sinunog yung mga kasalanan namin that we confessed yesterday na nasa papel. *Actually, di pala namin sinunog kasi nilagay lang namin sa jar na pinunit.
Hindi ko lang malagay ang lahat ng nangyari dito kasi madami talaga. Tinatamad na akong mag-type. :) Pero kung meron akong time para mag-edit ng blogs, sige. Lalagay ko.
- J'Boe Ocampo 2010
No comments:
Post a Comment