Friday, October 30, 2009

Camping '09 - '10

Sensya na, ngayon ko lang na-post ito. Dapat kasi kahapon pa. Pero, pagod na ako para mag-type at mag-isip kung ano ung mga nangyari. Kaya ngayon lang ako nag-start na mag-blog ulit. So, ayun. Start. :)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

6:00 a.m.
Gumising ako ng maaga para makapag-ayos ng gamit, mag-tanim sa FarmVille, at ayun. Hehe. Actually, dapat mga 1 pa ako papasok. Eh, kailangan ko ng pictures ng Investiture para sa Scribe. Kaya nagising ako ng maaga. Pero, ayos lang. Sanay na naman ako sa maagang gising eh.

7:14 a.m.
May unexpected guests na dumating samin. Bigla bang dumating yung tatlo kong classmate para humiram ng charger. So, pinapasok ko sila at naghintay na rin para sabay sabay na kaming papasok. Edi, nagmadali naman ako. Hehe. Ayos lang yun. Wala naman din akong kasabay pumasok kung hindi sila dumating.

8:00 - 12:00 nn
Investiture. Edi, picture-taking mode ako. Nung pumasok ako. Ako palang ang second year sa patrol namin na dumating. May mas maaga pa sakin eh. Grade 4. Bale, ako yung pangalawang pumasok. Grabe. Ang aga ko pala! *Ayaw mo yun? Special.* Anyway, nung may mga dumating na second year, chat mode na ako.

12:00 - 1:00 p.m.
Lunch time! Nag-gala kami sa campus. Punta dito, punta doon. Kain dito, kain doon. Soundtrip dito, soundtrip doon. PSP dito, PSP doon. Hayy. Wala kaming magawa 'no?

1:00 - 4:00 p.m.
Nag-start na ang Scouting Activity. Bale, yung time na ito, station-by-station na kami. First stop, Station E - Phase 1 B-Court, Survival Tips. Kasabay namin ang female counterpart namin. Ang Troop Arayat. Nandun yung mga girl Bonjours at yung iba pa. Ito ang complete course namin sa scouting.

  • Station E - Phase 1 B-Court : Survival Tips
  • Station F - Phase 1 Playground : Trail Signs
  • Station G - Phase 1 Lot : Basic Cooking
  • Station H - HHIS Covered Court : Scouting Songs
  • Station A - Originally, HHIS Grade 1 Building but changed to "Infront of School Clinic" : First Aid
  • Station B - Originally, Infront of HHIS Canteen but changed to "Infront of School Lobby" : Tent Fixing
  • Station C - Pre-school Building : Bandaging
  • And last, Station D - Eco-Park : Scout Symbols a.k.a. History of Scouting
After nung mga stations, proceed na kami sa cook-off.

4:00 - 5:00 p.m.
Nagluto na ang mga naka-assigned na chefs. And kasama ako dun. :) Edi, nagbaga na, naghugas, nagluto and stuff. Basta kung ano ang ginagawa sa pagluluto, nagawa namin!

5:00 - 6:00 p.m.
Eating time! After nung pagkain namin ng mga pinaghirapang luto, nag-praktis na kami para sa Yell namin. Happy-go-Lucky kami eh. Kung ano na lang ang ma-present, hope it wins. So, ang tinodo lang namin ay ma-memorize yung lyrics.

6:00 - di ko na namalayan ang oras
Nag-start na ang Campfire Activity. So, nag-present na ng isa-isa ang bawat troop and patrols. Ang score namin, 7-7-7 by the Judges. Ang nanalo sa boys, Lawin and sa girls, Cordillera. Ayos lang yun. At least, we did our best.

8:38 p.m. - mga 12 a.m.
Dito na umuwi ang mga chikitings. And dito na nag-start ang mga bravery test and such. Yung una. Di ko gets ko ano man yun. Basta pinagbilang kami ng 1 - 5. And kung sino nakakuha ng 1, bulag; 2, pipi, 3, bingi, 4, pilay, 5, walang kamay. It's a matter of paglalagay nung handkerchief sa mga parte na may disability. Sa kasamaang palad, napunta sakin ang pilay. Bali kailangan kong tumalon, or magpabuhat. Tinesting namin na buhatin ako, kaso aakyat ng hagdan kaya talon na lang. Pinalipat ko din sa harap ko yung isa kong classmate na bulag para ako yung mata niya. Do the math. After nun, lahat na kami pina-blindfold.

12 - 2:47 a.m.
Medyo napagod ako sa bravery test na yun. Andami naming dinaanan at ginapangan. Kung saan-saan kami napadpad and ayun, nakauwi na rin sa wakas. At ang sakit ng mata ko. Edi, nag-bihis na kami. Buti na lang ako, naka-itim kaya di masyadong nadumihan. Pinagpag ko lang ang sarili ko at nag-hilamos. Nagpalit na rin ako ng damit para sure.

Nung una di ako makatulog. Actually, dapat sa labas kami matutulog. Sa may mga tent. Eh kaso, yung nagdala ng tent, kulang ng pegs! And hindi alam kung paano i-aassemble. Kaya, napilitan na lang kami sa paggawa ng tent out of bamboo and sacks. Pero, maliit lang ang nagawa namin. Kaya yung mga bata ang pinatulog namin. Oo. Yung mga bata pa ang natulog sa tent.

Nung mga oras na yun. Tatlo kaming pumunta ng canteen para bumili ng makakain. Pero, nung babalik na kami. Ayaw na kaming padaanin kasi, pabalik-balik kami. Eh, dalawang beses palang kaming dumaan dun. Kaya nandun lang kami sa loob ng tent at nag-iisip ko ano ang pwedeng solution sa problema naming maka-balik sa dug-out. At sa wakas dumami yung tao sa may daanan namin kaya nakalusot kami.

2:47 - 4:31 a.m.
Ito lang ang oras ng pagtulog ko. 2 hours lang halos. Ginising ako para magluto ng almusal. Pero, pina-assemble kami at ang mga Scout Advisers na lang ang magluluto. Halatang antok ang lahat sa morning devotion.

4:31 - 6:00 a.m.
Dito naganap ang breakfast-eating, morning devotion at exercise ng mga scouts. Hayy. Yun lang.

6:00 - 8:00 a.m.
Dito naganap ang pag-aayos ng gamit at ang awarding ceremony. Matagal kaming naka-upo lang sa may covered court at walang ginagawa. Kasi, yung mga mabibigyan ng award ay pinag-iisipan pa nila. Haha. Hindi naman ako nakakuha. Puro, kalokohan ung mga awards eh. Hehe. Ang Patrol Uwak, at kami yun, nanalo ng Best Flag and Cleanest Dug-Out. :) A job well done.

- - - - - - - End of Camping - - - - - - -

Natapos ang camping namin, na PAGOD ang lahat.

(C) Jerboe 2009

Tuesday, October 27, 2009

Time to get BUSY!

"TIME TO GET BUSY!"

[ : ] October 28, 2009

11:14 a.m.
Hinihintay ko pang matapos yung charge ng battery ko sa camera para ma-send ko na yung mga pics para sa school. Nakalimutan ko kasing alisin i-compile yung mga pics sa computer ko. Kaya ayun, medyo na-late ng konti. Pero, kaya naman yun. Haha. Buong araw kong aayusin yun. Kasama pa yung mga lead ng bawat pic. Hayy. Busy. No time for Fb? Wrong!

12:00 - 6:00 p.m.
Time to take for the compilation of the pics with customized captions, editted, and finalized. Anim na oras kong gagawin yun. Kasabay ang pag-haharvest ng mga crops ko sa FarmVille. At iba pang extra. Hmm? Kaya kaya 'to? Tapos gagawin ko pa yung mga kailangan ko para sa camping bukas and the other day. BUSY!

6:00 - What so ever p.m.
Siguro free time ko na ito. Aayusin ko na lang yung mga kailangan. Mag-iimpake na ako para sa camping. Haha. Ano pa ba? Battery, FarmVille, Camping, Pictures w/ caption... Yun!

[ : ] October 29 - 30, 2009
Camping time!

8:00 - 10:00
Ang Girl Scout Investiture. Need kong pumunta ng maaga para makakuha ng pictures and stuff. Kaya maaga akong gigising, maagang mag-tatanim ng crops and ano pa? Yun lang yata. Tapos uwi na lang ako ng mga 10 or 12 para kunin yung gamit ko, or dalhin ko na agad? Hmm.

10:00 - 12:00
Boy Scout naman. Picture picture ulit. Panigurado nandito na yung mga ka-troope ko. Pero, sana, maaga silang pumasok para may kasama naman ako kahit paano. Magiging OP naman ako kung ako lang mag-isa sa dug-out. Haha. *Ayaw mo nun? Ikaw una? Panget! Anyway, ayun.

12:00 and 8:00 the next day
Ito na yung in-door camping namin with tons of surprises daw. Mukhang maganda ngayon kasi, yung bravery test, treasure hunting and hiking ay aabot hanggang Phase 1, Eco-Park, Phase 2, Phase 4, and baka Phase 5. Kasi nakita namin sila Sir Ranny w/ Sir Sam na naglilibot nung Monday sa Phase 4 yata. Di ako sure kung dun nga ang mga activities. And also, sa labas ng kami matutulog kasi tents na. Bawal na classroom! Di na lang ako matutulog kung hindi ako makatulog. Haha. Soundtrip na lang buong gabi. Tutal, maaga naman din kaming gigisingin.

8:00 a.m. - and so forth.
Rest mode and free mode sa gabi. :)

[ : ] October 31, November 1, 2, 2009
Sa mga panahong ito, sisimulan ko na yung research paper sa biology. Introduction lang naman hanggang review of related literature. Chapter 1 and 2. :) Kaya madali na lang yan. Kasama pa ba yung abstract? Or yung intro at RLL lang talaga? Ask ko na lang si sir.

[ : ] 2nd week of Nov.
Pasahan nung draft ng intro at RLL.

[ : ] Month of Nov.
Ito na ang time para gawin na namin yung news broadcasting namin sa S.S. or Social Studies. Ito na yata yung project naming Bonjour for the 3rd Quarter. Pagandahan kami with the other sections. Panigurado, may section war na naman ito. Hayy. Walang tigil ang gulo sa mundo! Ako, ako na lang mag-eedit nung video namin. :) Peace.

[ : ] 1st week of Dec.
Wine-making na namin para sa Bio. Andami kasing pinapagawa samin ni Sir. Wala nga kaming project, pero may experiment naman kami. At ang hirap pa. Pero, masaya naman kahit papaano. Natutuwa kami sa mga pinag-gagawa namin. Lalo na nung Taxidermies. Wee. Naalala ko tuloy si Popet. Hmm. Andami pala naming kailangan sa mga kagamitan ng wine-making.

[ : ] 1st week of January 2010
Pasahan ng final draft ng research paper. So, may 3 months kami para gawin yun. Hayy. Anhirap naman. Buti na lang monggo yung tanim para mabilis tumubo. Problema na lang ay ang DEFENSE!

[ : ] February 2010
Defense. Dito na namin i-dedefend ang aming research paper. Thesis-like baga. Medyo mahihirapan kami sa 'pag defend nito. Yikes! Woot. Good luck na lang. :D

[ : ] Unknown dates
TLE Projects and Stuff
Tree Production - di ko alam kung kelan namin gagawin ito. Pero, magtatanim kami ng puno ng mangga at aalagaan namin ito hanggang sa tumubo ito at bumunga. Hayy. It will take 3 years i think. So, 1st year College na kami nung time na yun. Hala.

Pictures - project yata ito sa Computer Class. Siguro sa November 4 kami mag-stastart. Pero, di ako sure kung yun nga yun. :) DSLR gagamitin namin!

* Yun lang yata as of now.
(c) Jerboe 2009

Saturday, October 24, 2009

Listahan ng mga Gawain

Kamusta naman yun? Ngayon na lang ulit ako nakapag-blog. Marahil na, bored ulit ako or what so ever. Basta. Alam niyo naman kung bakit ako nag-blog ulit. So, getting back to the topic. Grabe! Andami naming gagawin ngayong school year! Sabay-sabay yung mga pasahan ng projects, and more to come! Kumbaga isang teleserye yung mga gawain sa school, may abangan bukas. Ito na ang LiSTAHAN NG MGA GAWAiN:
  • Tapusin ang mga i-tatype na articles for the school paper. [ madali na lang yan. ]
  • Ma-compile na yung mga pictures na gagamitin. [ ask ko pa kung need na nga ba. ]
  • Magawa na yung revised version ng school paper, The Scribe. [ tagal pa. ]
  • Magawa ng maayos yung project sa Social Studies na News Broadcasting. [ team effort. ]
  • Magawa na yung Research Paper sa Biology. [ march pa naman pasahan. ]
  • Gawin na rin yung mga upcoming projects this 3rd and 4th quarter. [ meron pa nga ba. ]
  • Mapaganda na yung FarmVille ko. [ okaay. ]
  • Mapataas yung value ko sa FFS. [ kaya pa ba. ]
  • Maging prepared para sa Camping this October 29. [ lapit na. ]
  • Have the best birthday, pa nga. [ lapit na rin!!! ]
  • And most importantly, have the best school year ever. [ so far, so good. ]
So, ayan na YATA yung mga gawain ko for the year. Baka kasi mag-dagdag pa yung mga teachers ko ng mga projects and assignments na kailangan ng effort. Need ko din mapaganda yung mga yun. No need for mediocrity, ika nga. Projects and assignments are not jokes! Teka, mukha na akong Amerikano. Woot!

UPDATE! UPDATE! UPDATE! ~

Di na yata matutuloy yung 2012 namin. Eh kasi, sa November 14, may saturday classes kami. Eh yun yung date na napagusapan namin before pa namin malaman yung saturday classes. Inis na Ondoy at Pepeng! Sayang naman. Nakapag-ipon naman ako kahit papaano. Okaay lang. Sa pang-regalo na lang yun. Hehe. :) Yun sana yung pang-cecelebrate namin ng b-day ko at ng isa naming kaklase. Eh yun nga. Di na yata tuloy.

Speaking of birthdays, lapit na birthday ko! Haha. Regalo ko? Nasaan na? Expected yan ha. Joke lang. :) Peace, kapatid!

Camping this October 29 will be associated. :) Yes. Camping ulit. :) And this time, actually, hindi ito yung first time kasi nagawa na namin ito nung first year. Buong section ulit magkakatropa! Saya. May ka-close kahit paano. Ang kaso, kailangan na lang ma-convince yung iba para sumama. :) Lalo na yung may dadalhin na kailangan. Okay? Patrol Uwak nga pala ako. Inis.

----------------end----------------

Hanggang sa muli. Paalam!
(C) Jerboe 2009

Friday, October 16, 2009

Taxidermies :))

October 14, 2009 Wednesday

Itong araw na ito nangyari ang taxidermies namin sa school. Part yun ng requirements namin sa Biology. Madali lang naman mag-taxidermies. Pero ang mahirap na part lang dun ay ang papatayin yung specimen! Wag ka, rabbit yung amin!! Sobrang naka-aawa yung pagpatay namin. Sinasakal namin eh. At tsaka antagal bago namatay yung amin. At, wag ka, siya pa yung pinakabata sa mga specimen!

Andun na kami sa lab. Sinuot yung lab coats and yung gloves at masks at pinatay na namin yung rabbit namin. Our rabbit's name is POPET. Hehe. Nakakaawa nung sinasakal namin siya. Ako, nakahawak lang ako para hindi pumalag. Hindi rin ako nakatingin sa rabbit. Pero, nakikita ko namin yung rabbit ng iba. Sobrang attach na namin sa rabbit. Kahit one day lang siya sa amin, iba parin talaga! So, mahirap lang really.

Sayang din yung effort nung ibang nagtanda hirap na maghanap ng rabbit na kung saan-saan na lang sila nakapunta. Naka-abot yata sila ng SM Bacoor nung araw na yun para lang makabili ng rabbit. Sabay papatayin lang naman pagdating sa school?! Aww.

So nung matapos na naming hiwain yung balat, tanggalin yung laman-loob, at i-stuff ng cotton at tahiin ulit, tunurukan na namin ng formaline yung mga specimen. And dinesplay na namin ito sa lab. Hayy. Mukhang buhay na naman siya! Kaso, na-stroked.

Hehe. A job well done.
~ Jebo.

Saturday, October 3, 2009

Why can't time stop or slow down?

Ngayon ko lang na-realize na, OCTOBER na pala! Grabe. Ang bilis talaga ng oras. Minsan, hindi mo na namamalayan ang oras kaya 'pag tingin mo sa relo mo, hala! Time na pala. Minsan, gusto mo na huminto na lang ang oras dahil napakasaya na ng moment na yun. Hindi mo na ma-eexperience ulit yun, kundi i-rereminisce mo na lang afterwards through photos and such. Kaya, kung sino man ang makakapag-imbento agad ng time machine, well, congrats and well done!

Masaya naman siguro kung ikaw yung naka-imbento ng time machine. Lalo na kung buhay ka pa. Fame and money, nasa iyo na kapag nagawa mo lang ang simpleng bagay na yun. Popular ka agad, worldwide. Every person on the earth would know your greatest contribution. With the time machine, malalaman na natin ang katotohanan. Malalaman na natin kung saan tayo ng galing and how the earth was born. Lahat! Lahat malalaman na with a flick of a switch. Pero, matagal pa yun. But it is possible.

Why can't time stop or just slow down? Why? Pwede naman na huminto muna para sulitin ang given time. Pero, bakit hindi pwede? Why does it goes on and on forever? Bakit?! Masaya na nga yung moment din mabilis lang ang time? Iba na yun. Pero, may reason naman dun and i don't know why. But, while i type this blog, naiisip ko ang motto sa Meet the Robinsons. "Let go of the past and Keep Moving Forward." Maybe that's the reason. We have to learn to forget the past, live the present, and think about the future. Baka ganun nga. So, may point pa ba ang pag-gawa ng time machine?

Time? Slowing down? Possible. Actually, nagagawa na nga yun eh. Pero, through high-speed cameras. Slow-Motion effect ang tawag. Recalling ang show na, Time Warp. Astigin yun eh. Makikita mo ang every movement ng katawan or bagay in a slow movement. Basta astig siya. Tulad ng pagputok ng popcorn. Hindi naman natin nakikita ang pagputok niya. So, gumawa ang Time Warp ng experiment at ni-record nila hanggang sa pumutok na yung popcorn. Ayun, hintayin niyo na lang siya sa Discovery Channel. Hindi ko alam ang date and time.

Time. Time. Time. Hanggang memories na lang tayo. Matagal pa ang time machine. Siguro kapag nagawa na yun, wala na tayo sa mundo. Pero, meron naman na small chance na ma-imbento yun hanggang may tao pa sa mundo. Pero, sana, ma-imbento na yun ngayon na. As in, ngayon na. Masayang malaman ang history ng tao at ng mundo. Wala ng tatalo dun.

Waaah. Di ko parin ma-accept na ang bilis ng oras. Siguro, bukas, graduation na! Hala. Skip? Hindi naman pwede yun. Eh kasi naman, parang kahapon lang June tapos ngayon October na. Diba ang bilis? Parang walang nangyayari. Naalala ko din yung journal ko nung first year. Na as in, every day nagsusulat ako. Kaya alam ko kung ano pa yung mga pinag-gagawa ko nun first year ako. Sayang nga lang ngayon. Hindi ako nakapag-sulat eh. Nawalan ako ng notebook para sulatan. So ang journal ko na lang ngayon ay para sa scribe ko at important events. Para hindi ko naman makalimutan ang mga nangyari sa buhay ko.

Journaling. A great habit. Share ko lang ito sa inyo. Dahil sa school, meron kaming journal for every subject. Kailangan namin gumawa ng summary at reflection about sa topic namin. Ma-eenhance din namin ang writing abilities namin, widen our vocabulary, and most importantly, to boost our confidence in expressing our innermost feelings. Madalas, puro babae lang ang gumagawa nun. At madalang for the boys ang gumagawa nito. Study shows that girls have great confidence in expressing their feelings while the boys tends to hide their emotions with their self. Kaya we need to express our feelings. Like this blog entry.

Okaay. Ang layo na pala ng topic ko dun. Tune in next time for other fascinating blogs from yourstruly. :)) Keep reading. And leave comments if you want. ;) Godspeed.

Thursday, October 1, 2009

Pet Peeves -- the worst case scenario

Okaay. Sa ngayon, eh wala akong magawa. Naisip ko na, mag-blog na lang ako. Baka may ma-express naman ako kahit papaano. So, pag-bukas ko ng Multiply.com ko, diretso sa Compost Blog. Ito na, wala na akong maisip na topic para malagay dito. Oo, minsan nahihirapan din naman ang mga bloggers sa pag-iisip ng topic. Pero, hindi ko alam kung bakit naisipan kong mag-lista ng pet peeves ko. Masaya naman din kung mag-lista ka. Para aware ang mga tao sa paligid mo at hindi ka nila ma-irita!

Teka, alam mo nga ba kung ano ung ibig sabihin ng pet peeves? Well, pet peeves are the things you get irritated at. In short, mga kina-iirita mo. Yun yun. Bakit nga ba tinawag na pet peeves yan? Yung una nga eh, kala ko mga pets as in alagang-hayop. Pero, hindi ko pa sure kung yun nga yun. Kaya pumunta ako sa reference.dictionary.com para malaman yung meaning nun. Yes. :)

Anyway, here's my list of biggest pet peeves:

  1. Attention-seeking people - in short, papansin. Bakit ba kailangan nilang maging bida kahit na hindi naman kailangan? Haha. Di ko alam kung ano yung sinabe ko. Kailangan bang sila palagi ang sentro? Hindi naman diba?
  2. Liar, liar, burning fire - mga kabog, sinungaling. Kailangan pa nilang ipagmalaki ang wala sila. Wala na nga, dinadamay pa yung bagay na yun. So, kung wala ka nito, pwede mo naman sabihin na wala eh. Di na kailangan na mag-sinungaling.
  3. Windy people - mga mahangin, mga mayabang. Hindi naman din kailangan na magmayabang eh. Parang papansin na rin yung mga ito at sinungaling. Kasi, sasabihin nila magaling sila dito, pero hindi, at the same time, gusto nila ang attention ng iba para mapag-mayabang ang wala sila.
  4. Oh-so dependent person - ito naman yung mga masyadong dependent na tao na kung ano may gagawin siya, ibibigay na lang sa iba para sila na ang gagawa. Minsan, nangyayari rin ito sa mga group activities na, kapag nakita niyang masisipag ang mga kagrupo, eh, sila na lang ang gagawa.
  5. Feeling-angaz - mga feeling maangas na tao kahit na di bagay sa kanilang maangas. Sa mga ito, tigilan niyo na! :P Hindi bagay sa inyo. Go find yourself.
  6. Big deal, eh? - ito yung mga taong ginagawang BIG DEAL ang small issues. Like sa showbiz, nakipag-date lang naman ito kay ganyan, big deal na ba agad yun? Sus, hindi ka naman apekted sa ganun eh. Buti na lang kung political issue yan na tungkol sa pamumuhay natin, pwede ba yun. Eh, buhay yun ng celebrity eh.
  7. Wet shoes - ayokong nababasa yung sapatos ko. Especially, kapag nasa school ako. Magiging maputik ang daan. Yun lang yun. Ampangit naman tignan kung madumi yung hallway ng school.
  8. Disorganized Things - ampanget tignan kapag sabog-sabog ang mga gamit mo. Sana naman may time ka para ma-ayos yan. Simpleng gawain lang yan eh. Madali pang gawin. Saglit lang din naman. SIMPLE!
Wala na akong maisip eh. Basta i-cocontinue ko na lang sa mga susunod na blogs. Wait niyo na lang. Hihintayin ko lang kung saan pa ako ma-iirita. Oh yeah. :) Ansayang alalahanin ng mga bagay-bagay tungkol sayo. Para bang survey about yourself. Astigin. Hehe. Sige sige. Hanggang sa muli. Stay tuned. x]