Ngayon na lang ulit ako nag-post dito sa blogger. Sorry na. :) Puro kasi Tumblr ako e. Haha. Pero, naisip ko namang mag-post dito kasi ito lang yung na-oopen ng school computer namin. Kaya, dito na lang ako nag-post ng kung ano pwedeng sabihin.
Actually, hindi ako pwedeng mag-ganito ngayon. Scribe ako e. Dapat nag-lalayout ako ng school newspaper namin. E kaso, I'm so indecisive. Hindi ko alam kung ano yung i-lalagay ko na pictures or font or whatever. (Actually, as I start this post, I like the font being used. It's quite legible for a serif font.) Anyways. Ayon. Dapat nag-lalayout ako. But I can't stop typing. Wala naman din halos nagbabasa nitong blog. It's just another blog in the internet. Same old blog. Online diary. Online journal. Online notebook of plans and memories that worth to keep. Kahit hindi naman siya ganon ka-worth it, I still put it on the net. No matter how shallow the sense is.
(What's this font actuallu called?)
Who reads my blog? No one. I guess, there'll be someone to share this blog to the world. I can die now if these blogs of mine are famous and Ellen and Oprah actually invite me to discuss this on a LIVE TELEVISION. But hey, it's only a dream. A mere fantasy of my overflowing ideas inside my mind. I'm quite an explorer for my age. I tend to extend my visual capabilities in technology, as well as the same old books. :) I will never forget books. I will always love books no matter what.
Ayan na naman ako. I'm clearly out of the topic again. Going back to what I'm saying, uhh. Nakalimutan ko na. Memory gap! Hmm... Ayon! Yung layout. Sige. Time out muna ako dito sa blogger. I hope na mabasa talaga yung posts ko in the near future kahit na wala naman sense yung mga pinagsasabi ko. HAHA! Tara, laughtrip na lang tayo para masaya! HAHAHA! XD
Thursday, September 30, 2010
Thursday, April 1, 2010
Sorry
Sorry. Ngayon lang ulit nakapag-bukas ng Multiply. :)
I was busy with Tumblr. But i think i can put some more posts here this summer. After all, wala naman akong magagwa eh. Kaya, i need everything for me to remove BOREDOM. Diba?
Btw, follow me on Tumblr :)
Wednesday, February 3, 2010
RETREAT.
February 3 - 4, 2010, Wednesday and Thursday :)
RETREAT DAY.
Ngayon na lang ulit nakapag-blog. Busy ako sa Tumblr ko eh. :) Sorry na. Ayun, follow niyo ako dun. But if you still want to read my blogs here at Multiply, bahala kayo. :)
First Day. Parang normal day lang ang pagpasok namin. Kailangan pa namin mag-flag ceremony bago pumunta sa Activity Hall (Grade One Building lang yan). Ayun, after nun, nagbayad na kami then pinapasok na kami sa building. Nagbigay na sila ng reminders and such. At nagkompis ng cellphones. Actually, itatago lang naman yung cellphone para makinig talaga ang mga students. Yun.
Kala ko corny yung retreat. Pero, sa mga gitna ng retreat, naging masaya at exciting ang bawat kwento at moral lessons nito. May mga palaro para magising kami. Merong mga kanta. Merong mga gestures. Merong mga nakakaiyak moments. Merong yakapan moments. Merong sorry sorry moments. Merong mga confessions. Meron lahat.
9am to 9pm kami dun. Ang lunch ko, pinadala. Yung dinner namin, bumili lang diyan. Maganda ang naging dinner ko. Candle light with friends. Kumain pa kami ng carbonara. HAHA. Saya naman nun. Can't forget. :))
Second Day. Masaya din lalo 'to. Ito yung pinakanakakaiyak na part kasi, about sa forgiveness, love of parents, at love of Christ ang mga topic. Syempre, madaming nakakarelate dito. Madaming naiyak na hindi mapigilan. Madaming nagyakapan na parang wala ng bukas. Hayy. Saya. :) Dito din namin sinunog yung mga kasalanan namin that we confessed yesterday na nasa papel. *Actually, di pala namin sinunog kasi nilagay lang namin sa jar na pinunit.
Hindi ko lang malagay ang lahat ng nangyari dito kasi madami talaga. Tinatamad na akong mag-type. :) Pero kung meron akong time para mag-edit ng blogs, sige. Lalagay ko.
- J'Boe Ocampo 2010
Friday, January 29, 2010
Lapit na.
January 30, 2010.
Ngayon na lang ulit ako nakapag-blog dito sa Multiply. Nakakalimutan ko na ito pati na rin yung Friendster. Lagi na lang Facebook at Tumblr. :) Pero don't worry. Sila parin ang first accounts ko.Naks.
Anyways. Malapit na. Malapit na ang pinakanakakatakot na test sa history ng tests! Ang CGAT! Comprehensive General Achievement Test! Wew. 2 weeks na pagrereview ng past lessons. Walang katapusang assignments at quizzes. Waaah!
Supershare. :))
Wednesday, January 20, 2010
Sick of Roleplays.
From Tumblr.com
January 21, 2010 - Roleplays
The day of roleplays.
Grabe. Andaming roleplays na gagawin sa school. Amf. Ako pa scriptwriter. Waaah. Sa Social Studies, Filipino, at English. Tapos may biglaan pa sa TLE. Fortunately, tapos na yung sa TLE. Advertising lang naman. Wew.
Buti na lang. Wag ka. Buti na lang Sportsfest bukas. Madami pa akong time para gumawa ng script namin. Iba't - ibang grupo pa naman 'yan. HAHA! Ayun.
THANK YOU SA NAGPA-SPORTSFEST BUKAS!
:)
--- **
Reality.
Oo. Andami nga naming roleplays na gagawin ngayon. Hindi na ako maka-think straight. Minsan napagkakamalan ko yung grupo ko sa S.S. yung grupo ko sa Filipino. Waaah! Gulo na uii!
Social Studies: Roleplay ng isang Japanese Family. Asian Families na kami and ika nga, "It's a great topic." Kasi, andaming nakaka-relate pagdating sa family. Sayang at hindi namin nakuha yung Filipino Family. Okaay na yan. :)
Filipino: Roleplay ng isang welga. Continuation na lang nung nagawa namin nung una. Yung Court Session. :) Shareful ko naman ngayon. Hayy.
English: Actually, tapos na pala kami dyan. Kanina lang namin na-present. Pero, ngayon ko lang din na-finalize yung script namin para sa Radio-Play namin ng The Last Hours of Jose Abad Santos. Lagyan mo lang ng kwela. Taas na grade. :) Yan ang trick. Not suitable for very very very serious teachers.
YOKO NA NG ROLEPLAYS! though i enjoy them. :P
All Rights Reserved 2010
Saturday, January 9, 2010
Friday, January 1, 2010
Two. Zero. One. Zero: 2010!
January 1, 2010
A new year. A new beginning. A whole new start.
Suppposedly, kanina ko pa na-post 'tong achieve na 'to. Ang kaso, tinatamad pa ako. At medyo pagod pa yung katawan ko para mag-type ng mag-type. Ngayon lang ako nakapagpahinga ng husto. So, here it goes...
--- **
December 31, 2009
A day before...
Alas otso na ako nagising nung araw na 'to. Medyo antok pa. Pero, computer agad yung hinanap. Online sa Facebook. Update sa Plurk. Hindi binuksan ang Friendster. (sorry friendster v^_^) Nagisip na gumawa ulit ng blog sa Multiply. Nag-almusal. After nun, nanood naman ako ng TV.
Nung mag-gabi, umingay na sa labas ng bahay. BOOM! BANG! SWOOSH! Nag-start na kaming mag-handa para sa media noche namin. Ako? Nanood ako ng Da Vinci Code sa AXN. Bahala muna sila dun. Sa noodles lang naman ako at dessert. Yung dessert naman eh, tapos ko na a day before. Kaya no need to worry.
Alas onse ng gabi na. Nag-start na akong magluto nung elbow. Saglit lang yun. Tick-Tack-Tick-Tack. TING! Tapos na. :)
Inassemble na nila yung mga pagkain sa mesa. Nandun na ako sa labas ng bahay. Specifically, sa taas ng diding sa bahay ng pinsan ko. Maganda na yung view naman from there. Sa compound namin, konti lang ang paputok. Nanood na lang kami. Playing safe? Ang ganda nga ng mga fireworks nung mga kapitbahay namin. Ang liwanag. Ang colorful. Astigin!
Syempre after nun, eating time :) Handa namin: Mac&Cheese, Beef Tenderloin, Hash Brown with Cream of Mushroom Sauce, and for dessert, Grahams (Tiramisu Style)
YUM! *burp!*
Busog ako. Solb! Grabe. Itong year na 'to ang pinakatahimik na New Year but it was the brightest :) Di katulad nung mga past years, puro pangingay lang yung mga paputok sa labas. Ngayon, puro fountain, fireworks, et cetera. 2010 na :)) WOOT!
---**
Back to January 1, 2010
Grabe. Di pa ako sanay sa pag-type ng 2010. 2009 parin yung na-tytype ko. Need to be used in typing 2010 instead of 2009. Woot. Hirap pa. But sooner or later, sanay na mee :) Kailangan ko din masanay sa pag-sulat ng 2010 instead ng 2009 sa school. Like every year, nasusulat ko parin yung previous year rather than the current year. Waah!! NEEDED! :)
*END OF BLOGGING...
Tune in next time for another segment by yours truly :)
JEBB ~ (C) 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)